my thoughts… my stories… my life…
Header

Malapit na ang pasko… masaya sana kung makakasama natin ang mga mahal natin sa buhay diba?
Sino dito ang may kamag-anak na OFW? Ama… Ina… Ate… Kuya… Kapatid… Asawa… Kasintahan… Kaibigan… o kahit sino pa yan… sa mga kapwa Filipino na pinapadalhan lang ng pera dito sa Pilipinas…. tignan nyong mabuti ang mga pictures na nasa baba… isa lamang itong paalala para baka sakaling maisip natin na magtipid-tipid at gamitin ng tama ang perang pinagpapaguran ng ating mahal sa buhay… maaaring ganitong sitwasyon din ang kanilang tinitiis at titiisin sa mahabang panahon hanggang sa matapos ang kanilang kontrata para lang makapagpadala ng pera para sa kanilang mga kamag-anak dito sa ating bansa…

Napakasakit isipin na ganito pala ang dadatnan ng isang taong importante sa buhay ko… kaya kung may kakilala kayo na nag-aapply pa lang as Nurse or kung ano mang klaseng trabaho yan… be sure na kausapin nyong maigi ang agency na pinag-aapplayan nyo at sana nagsasabi din sila ng totoo! Nakakalungkot lang isipin na pumasok sya dun as Nurse tapos sya pala mismo ay magiging pasyente din… ilang araw ng mataas ang lagnat at pabalik-balik… ang masama nito walang sick leave! at kahit na di pa magaling ay kailangan magtrabaho ulit sa oras ng duty… kahit hinang hina ka pa… basta oras ng trabaho kailangan magtrabaho… :(

Ikaw na nagbabasa nito… may kamag-anak ka ba na nasa ibang bansa? Sana mag-silbing paalala ito sa ating lahat na kailangan ay magtipid at para sa mga estudyante na nagbubulakbol sa pag-aaral…. mag-isip isip kayong mabuti! tignan nyo kung ano ang tinitiis ng mga mahal natin sa buhay para lang makapag-padala ng pera sa atin… sana sa bawat luho na binibili natin… sana magdalawang isip tayo bago gumawa ng hindi tama…

Sigh…. 3 days na syang nilalagnat… Bronchial asthma daw ang sakit nya sabi ng doctor… siguro sa pagod or maybe nahawa sa ibang patient… sana lang hon gumaling ka na….

Sa araw ng Pasko… maghahanda ako pero kahit malayo ka man ngayon, sabay pa rin tayong kakain… magkalayo man tayo ngayon pero nandito ka lang sa puso ko… (awsss corny na) magkaiba man tayo ng oras pero sasabay ako sa oras mo para sabay pa rin tayong kakain ng handa natin…. kagaya ng ginagawa natin nung magkasama pa tayo… Miss na miss na kita… Sana gumaling ka na…

 

Ikaw na nagbabasa nito na may kamag-anak sa ibang bansa… kamusta kaya sila dun? Okay lang ba talaga sila kagaya ng kinukwento nila sayo…?