my thoughts… my stories… my life…
Header

Source: Wedding, Death or Funeral by Isagani X, m.a.

Dapat mamaya ko pa sasagutin pero umurong time ng lakad namin ng kausap ko..

Hmmm.. answer ko po is yung number 3

3. Not seeing your love one before you die

Para sakin wala ng mas sasakit pa dito. Gusto kong makita ang taong minamahal ko hindi para sabihin pa kung gaano ko sya kamahal. Sa situation ko kasi sa araw araw na ginawa ng Diyos never ko pinalampas ang isang araw na hindi ko napaparamdam at nasasabi sa kanya yung pagmamahal ko para sa kanya. Gusto ko syang makita bago ako pumanaw para sabihin na “Mawala man ako sa mundong ito, enough na para sa akin yung mga pinagsamahan nating dalawa at yung mga pinakita mong pagmamahal at pag-aalaga sa akin ng sobra… ayaw kong makita ka na malulungkot. Gusto ko maging matatag ka at huwag pigilan ang sarili na magmahal muli ng iba at kung makahanap ka man ng ibang magmamahal sayo alam ko magiging maswerte sya sayo dahil alam ko kung papaano ka mag-alaga. At bago ako pumanaw gusto kong malaman mo na naging kumpleto ang buhay ko ng dahil sa’yo….. Mahal na mahal kita…”

Hmmm… para sayo to hon….

yan po ang sagot ko.. masakit sobra para sa akin kung hindi ako mabibigyan ng chance na sabihin ang mga yan sa taong mahal ko… yung Number 1 situation kasi…. sa relationship na meron ako, di magiging applicable para samin dahil wala namang same s3x marriage dito sa pinas ehh… kaya di ako makarelate.. yung number 2 naman…. di ko kayang makita sya na naghihingalo na… baka mauna pa akong mamatay kaya ok lang for me kung di ko sya makita…. yung number 4 naman, baka may valid reason sya kaya wala sya sa burol ko so maiintindihan ko yun… di gaanong masakit.

Sir Isagani pa-attendance ka po sana lagi h.. :P

?????

(more…)