my thoughts… my stories… my life…
Header

Facts about life

October 3rd, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (5 Comments)

Madalas nandito lang ako sa harap ng computer… halos 24/7 nakaonline. Nagbabasa ng kung ano ano na nakakapukaw ng aking atensyon… Sa pagiging addict ko sa computer at internet, maraming bagay na akong natutunan at sa palagay ko sa mga susunod na panahon mas madadagdagan pa ito… Gusto ko lamang isulat dito ang mga bagay bagay na aking natutunan at nakapagpabago sa aking buhay:

Dati rati inis na inis ako sa mga taong nagsasabi na “Tao lang ako…. nagkakamali rin” pero sapalagay ko ay hindi sapat ang mga salitang yan… nung mga lumipas na araw ay nakagawa ako ng malaking pagkakamali na naman sa buhay ko… at muli ko na namang nasabi sa sarili ko na “Jean… di ka na nagtanda…” Di ko na matandaan kung ilang beses na akong nasaktan dahil sa pagpapahalaga sa mga taong nagiging malapit sakin… Paminsan minsan mas mabuti pa na hayaan mo na lang na masaktan ang mga taong dapat masaktan… Hayaan silang matuto sa sarili nila…. Hindi dapat magsalita kung hindi nararapat…

facts of life  Facts about life picture

(more…)