my thoughts… my stories… my life…
Header

Author Archives: JeanGrey

Reaction to Wedding, Death or Funeral

August 16th, 2007 | Posted by JeanGrey in Things That Matters - (1 Comments)

Source: Wedding, Death or Funeral by Isagani X, m.a.

Dapat mamaya ko pa sasagutin pero umurong time ng lakad namin ng kausap ko..

Hmmm.. answer ko po is yung number 3

3. Not seeing your love one before you die

Para sakin wala ng mas sasakit pa dito. Gusto kong makita ang taong minamahal ko hindi para sabihin pa kung gaano ko sya kamahal. Sa situation ko kasi sa araw araw na ginawa ng Diyos never ko pinalampas ang isang araw na hindi ko napaparamdam at nasasabi sa kanya yung pagmamahal ko para sa kanya. Gusto ko syang makita bago ako pumanaw para sabihin na “Mawala man ako sa mundong ito, enough na para sa akin yung mga pinagsamahan nating dalawa at yung mga pinakita mong pagmamahal at pag-aalaga sa akin ng sobra… ayaw kong makita ka na malulungkot. Gusto ko maging matatag ka at huwag pigilan ang sarili na magmahal muli ng iba at kung makahanap ka man ng ibang magmamahal sayo alam ko magiging maswerte sya sayo dahil alam ko kung papaano ka mag-alaga. At bago ako pumanaw gusto kong malaman mo na naging kumpleto ang buhay ko ng dahil sa’yo….. Mahal na mahal kita…”

Hmmm… para sayo to hon….

yan po ang sagot ko.. masakit sobra para sa akin kung hindi ako mabibigyan ng chance na sabihin ang mga yan sa taong mahal ko… yung Number 1 situation kasi…. sa relationship na meron ako, di magiging applicable para samin dahil wala namang same s3x marriage dito sa pinas ehh… kaya di ako makarelate.. yung number 2 naman…. di ko kayang makita sya na naghihingalo na… baka mauna pa akong mamatay kaya ok lang for me kung di ko sya makita…. yung number 4 naman, baka may valid reason sya kaya wala sya sa burol ko so maiintindihan ko yun… di gaanong masakit.

Sir Isagani pa-attendance ka po sana lagi h.. :P

?????

(more…)

eye opener

August 15th, 2007 | Posted by JeanGrey in Personal | Rants - (0 Comments)

Habang namamasyal ako dito sa mundo ng wordpress… bigla akong napaisip sa entry na to ni Jojita. Lalo na sa part na to

1. PERPETUAL WHINER

Hobby: Ang bwisitin ka sa walang katapusang drama ng buhay niya.

Hello……….. You’re not ‘that’ important para i-single out ng universe para pahirapan. Try mo kayang magka AIDS para justifiable naman ang walang patumagga mong reklamo sa buhay.

Honestly, at first nasaktan ego ko… abah! tao lang ako noh! tinamaan ako talaga… hmmmm… pero nag-isip ako mabuti at nakiramdam… tama nga sya… isa isa kong iniscan ang mga post ko d2 sa wordpress… ang dami na pala akong mga hinaing sa buhay na ikinakalat dito… napansin ko pa ang mga dates kung kelan ko sinulat… matagal tagal na rin pala… di pa naman huli para magbago diba? maraming salamat po talaga… hindi ito sarcastic ha… huwag po sana mamisinterpret. gusto ko lang talaga magpasalamat… minsan may mga salitang nakakasakit ng damdamin pero minsan siguro kailangan talagang marinig yun para tumino tino ang pag-iisip ng taong concern.. I admire those person na prangka sa mga ganitong bagay. Kaya para sayo po Jojitah… salamat po ulit. Saludo po ako sayo.

PS

sa makakabasa po pasensya na rin kung dito ako nagiinarte… nilayuan ko kasi ang mga barkada ko dati for some reasons… hmmm syempre mali na naman ako pero unti unti ay naguumpisa na kaming maging ok lahat. eto lang ang outlet ko po kasi sa ngayon… mahirap naman ipunin lahat dito sa dibdib yun lang po… hmmm tama na senti paki slap na lang ako pag senti na naman… :P

reminiscing: comp shop days…

August 15th, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (0 Comments)

Ang lakas ng ulan ngayon araw na to… Naalala mo pa ba? year 2003 yun… na halos naging bahay natin yung computer shop ko for almost a year… di ako makauwi sa bahay namin dahil galit na galit sakin si mama… dumating sa point na pinapili ako ng mother ko… pinili kita… ipinaglaban ko tong relationship na to…. ipinaglaban natin… naaalala ko pa… August din yun month na yun… yun yung months na kalakasan din ng ulan…. kapag wala ng tao sa compshop, naguumpisa na akong mag-mop ng sahig… maglinis ng computers para kinabukasan wala na akong masyadong iintindihin sa paglilinis… mag-iinit na ako ng tubig pampaligo… maglalatag sa sahig.. naalala ko pa nga… ilang months ko rin na pinagtyagaan na matulog sa sahig na ang gamit ay banner lang ng pldt mydsl at may sapin na halos onion skin na kumot… wala pa akong unan… so ang ginawa mo pinagpatong patong mo lang yung mga extra tshirts ko at ibinalot sa jacket para maging unan ko. halos isang taon akong nagstay sa compshop na yun…. tayo pala….

sa mga gabing malulungkot… sa mga gabing sobrang lamig… sa mga panahong down na down ako dahil halos itinakwil na ako ng family ko…. ni minsan hindi mo ako pinabayaan… hindi mo ako iniwan na mag-isa… imbis comfortable ka sa bahay mo, pinili mo pang samahan ako sa comp shop ko… kahit na walang kasama si kathy sa bahay nyo… for almost a year kahit ganun ang situation naging masaya tayo pareho…. mas nagkaron ng chance para mas makilala ang isa’t isa… saksi ang lahat ng computers at walls sa computershop na yun…. yung love na pinagtibay ng panahon…. naks drama…. hmmm sarap lang isip isipin ang mga panahong yun…. kahit kelan never kong makakalimutan for the rest of my life….

This song is for you po…


Coldplay – The Scientist

maid imelda?? astig!

August 15th, 2007 | Posted by JeanGrey in Things That Matters - (0 Comments)
Video  maid imelda?? astig! picture

hmmm… ano kayang reaction ni madam dito??

Video  maid imelda?? astig! picture

bati na tayo…

August 14th, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (0 Comments)

Friendster Horoscope for August 14, 2007

Taurus (Apr 20 – May 20)

 bati na tayo… picture

The Bottom Line It’s all about fun now — finding it, making it and enjoying it as long as you can.

In Detail

It’s all about fun today — finding it, making it, and stretching it out for as long as you possibly can. If you are in the middle of a romance, the two of you should take some time today to go off on a little adventure. Hunt down an out-of-the-way place where you can pretend you’re on your first date all over again. And if you’re single, the fun should be easy to come by — all you need to do is grab your wildest friend and find out what they have in mind!

View Today’s Horoscope for Another Sign

 bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture  bati na tayo… picture

Naks… nagawa ko na to nung nakaraang araw pa… dapat nga bukas ulit kaso nag-iba lang sya ng schedule e… sa ngayon masasabi ko na di pa rin masamang umasa na maaayos pa tong relationship na to…

kagabi may nangyari na namang hindi maganda… sa sobrang sama ng loob ko nakapagdecide na talaga ako na huwag ka ng kausapin pa kahit kelan… inuubos ko na nga lang yung load ko sa Sun then balak ko magchange sim na…. kaninang umaga nagtext ka na naman… naguluhan na naman ako… feeling parang walang nangyari nung gabi… hmmmm… madali lang naman ako magpatawad at makalimot… feeling ko di na rin naman ako galit pero nung una pinipigilan ko na lang ang sarili ko na huwag ka ng itext pa… pero nagulat ako nung tumawag ka na… iniisip ko kung sasagutin ko ba ang call mo or hindi na… syempre… tao lang ako… mahal kita!! di ko na naman napigilan ang sarili ko… tsk… kinausap kita… napansin ko malumanay ka ngayon… kalmado ka… hay… nakuha mo na naman ang loob ko… di kita kayang tiisin ng matagal… hirap magpakaplastic at mag galit galitan… nung umaga syempre mejo pa cold effect pa ako… pero nung tanghali na magkausap tayo… at narinig ko na umiyak ka… parang nadurog na naman ang puso ko… ayokong naririnig na umiiyak ka… ayokong nasasaktan ka… magpapakatotoo na rin ako… di kita kayang tiisin…. mahal kita… mahal na mahal…. kung nasa tabi mo lang ako… gusto kitang yakapin ng mahigpit… gusto kong sabihin sa harap mo na, “tama na po… bati na tayo… kalimutan na natin ang mga nangyari… mahal na mahal kita…”

Listening a lot lately to: Azrael’s Rock Fusion

Strong ka na ba?

August 13th, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (1 Comments)

kanina nagkita tayo sa Trinoma… tumibok na naman ang puso ko kagaya ng dati… pero alam ko at itinatak ko na sa isip ko na di na dapat maging emotional…. di na dapat umiyak.. di na dapat umarte…. di na dapat magdrama… ok naman tayo… magkahawak kamay pa rin… or minsan nakakapit ka sa braso ko… ang sweet naman… kung titignan ng iba…. parang walang kakaibang nangyari… parang ok na ok tayo…. hmmm…. ok naman talaga tayo e…. dati ganito tayo a year ago… still remember? pero! kagaya nga ng sabi mo… marami ng nagbago… syempre… ayaw kong pahuli… di na dapat pahuli nitong maarteng puso ko… habang tinitingnan kita… nakikita ko na okey na okey ka naman… parang wala lang… o plastic yan? hmmm…. whatever! BASTA.. ok na sakin na makita kang okey… na strong… naisip ko… wala ng reason para mag-alala pa… kahit san ka ma mapunta… matuloy ka man sa saudi… alam ko…. strong ka naman e…. ooppsss….. ayaw ko ng magdagdag ng sasabihin about sa pagabroad mo… hands off na ako jan…

basta yun na lang ang nasa isip ko ngayon… ang gusto ko lang happy ka… yun lang… kung ano man ang kahihinatnan ng mga nangyayari satin…. wala na rin naman akong regrets… nagawa ko na lahat dati pa yung mga bagay na gusto kong gawin para sayo…. hands up na ako… ayaw ko na muna gumawa ng kahit na ano dahil the more na may ginagawa akong effort to save this relationship…. palpak ako… mas nagiging worst lang ata… so… i leave it all to you… sige isip isip ka lang jan… hmmm sarap feeling nakakatulog na ako ngayon… at last naging normal na rin ang tulog ko… what a relief…. siguro dahil alam ko na kung san ako dapat lumugar… malabo man ang position ko ngayun pero at least alam ko na kung san ako dapat tumayo para sayo…

improvement ba ang tawag dito… wala ng luhang pumapatak… wala ng hagulgol na maririnig… wala ng iyaking Jean… wala na… eto ba ang tinatawag na strong?? hmmm….

P.S.

Love you Sam Milby… sakto ka kanina ha…. ganda pa ng kanta mo…. Right Here Waiting…. tskk…. masyadong timing!!!

goodbye kiss…

August 12th, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (0 Comments)

Kailangan maglibang… kailangang maging busy para pansamantalang makalimutan ang kalungkutan… While I was reading Femikey’s blog about this entry, di ko na naman maiwasang hindi maisip ang kasalukuyang dinadamdam…

 

A kiss is an intimate connection and a simple way we express our love and affection to the one we love. It is more than the sharing of lips and breath.

Nung nabasa ko yan di ko mapigilang mapaiyak na naman…. I remember the last day na nasa bahay mo ako… that was August 9… the day before our monthsary sana…. bago ako umalis niyakap kita ng mahigpit at hinalikan kita…. niyakap mo rin naman ako… at hinalikan mo rin ako… nararamdaman ko na sincere ka naman sakin nung sinabi mo na mahal mo pa rin ako… kailangan mo lang ng space para makapag-isip… yun na yata ang pinakamasakit na naramdaman ko…. kasi baka yun na ang huling kiss mo sa akin…. nung araw na yun tulirong tuliro ako… kahit lumabas na ako ng bahay mo di ko magawang lumayo… kaya naupo muna ako sandali sa labas ng subdivision nyo… umaasa ako na baka magtext ka at pabalikin ako… siguro 30 minutes din akong naghintay… habang nakaupo pinipigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak dahil nasa labas ako at maraming taong makakakita sakin… hindi ako makapaniwala sa mga nangyari…. hindi ako pwedeng umuwi sa bahay na ganun ang sitwasyon ko… kaya naisip kong tawagan ang kaibigan ko… kasi di ko alam kung san ako pupunta… magkano lang ang pera ko sa bulsa… di naman ako kasi prepared na pupunta kung saan after ng day na yun… ni hindi pa ako nakakaligo… buti na lang nakakain pa ako kahit konti bago ako umalis sa bahay mo…

bago ako tuluyang umalis nagbakasakali ulit ako… nag-isip ako ng paraan para makabalik sa bahay mo… naalala ko yung extra battery ng celfone ko na nakita ko nung gabi sa bag mo kaya ginawa ko yun bilang alibi para makabalik ulit… tinawagan kita at tinanong kung pwede ko bang kunin yun… pumayag ka naman… bumalik ako sa haus mo pero hindi mo na ako pinaakyat… pilit mo akong sinasabihan na umuwi na sa bahay ko pero di ko pa kaya… sabi ko may pupuntahan ako tapos tumalikod ka na at umakyat na ulit sa room mo… iniwan mo na ako sa baba na nag-iisa… wala akong magawa… kaya umalis na rin ako… siguro dahil nag-aalala ka na rin baka dumating na ang mom mo at maabutan tayo tapos sa ganun pang situation…. wag ka magalala naintindihan ko naman po…

dancing inmates 2

August 11th, 2007 | Posted by JeanGrey in Things That Matters - (0 Comments)
youtube Video  dancing inmates 2 picture

I Will Follow Him – Sister Act

CPDRC Inmates doing the Sister Act

youtube Video  dancing inmates 2 picture

Dayang Dayang and Sister Act

youtube Video  dancing inmates 2 picture

Jumbo Hotdog by “The Maskulados”

dancing inmates

August 11th, 2007 | Posted by JeanGrey in Things That Matters - (0 Comments)

Enough with the drama…. I saw this videos from AOLionheart’s Blog. Last week ko pang nakikitang nakafeature to sa youtube pero di ko pinapansin coz it looks like another shaolin movie sa picture.. malay ko naman kasi kung ano ang mga yan… Pero nung nabasa ko sa blogs ni AOLionheart which was posted here, that they were inmates from Cebu City (CPDRC – Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center) ayun, I got curious that’s why I wanna share this video here… This video was originally uploaded by byronfgarcia. Watch this video and have fun!!!

 dancing inmates picture

Thriller

According to byronfgarcia,

this are 1,500 plus CPDRC inmates of the Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center, Cebu, Philippines at practice! This is not the final routine, and definitely not a punishment! just a teaser.

 dancing inmates picture

Thriller 2 (The Continuation)

The inmates tribute to the world dance will be next, its still being practiced. The “Girl” finally breaks his silence! His name is “Wengel” and he’s gonna dance Michael’s routine!

 dancing inmates picture

At the Cebu Capitol

The inmates of CPDRC performed a surprise number in front of Capitol. This performance was a request by the inmates as their contribution to the 438th Founding anniversary Celebration. The Governor and Provincial Officials were so moved that they included all 1500+ inmates in the giving of the mid-year bonus for Capitol employees. Each inmate was given P1,000.00 pesos ($US 22.00)an incentive for good behavior. The inmates want to express their heartfelt gratitude to the people of the world.

I need space…

August 11th, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (0 Comments)

I need space…

Yan ang sabi mo sakin… :( ayaw ko man pero wala na akong magagawa pa… baka dumating na sa point talaga na na-fed up ka na rin…. at times like this mas kailangan ko ngayon ng taong mapagsasabihan ko ng problema ko… ang presence ng bestfriend ko… pero imposible ata na mangyari yun… kasi… ikaw rin ang bestfriend ko e… :(

sana tama ako…

August 6th, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (0 Comments)

at last nagtext kana rin kaninang umaga… hmmm… naisip ko kaninang madaling araw baka luluwas ka nga ng manila… baka nasa byahe ka lang at sinu-surprise mo na naman ako sa pagdating mo…. *cross fingers* sana nga po tama ako… sana pag-gising ko mamaya sana nasa tabi na kita….

nasaan ka na…

August 6th, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (0 Comments)

buong maghapon wala kang text… una nagtry akong tumawag sa sun number mo pero nakaoff or wala ka na namang signal… so nagtry akong tumawag sa isa pang number mo, ayun nagring naman… pero bakit di mo sinasagot? sige… sabi ko na lang sa sarili ko baka bz ka lang… pero iba na feeling ko… :(
Read the rest of the entry »

Just stick around

August 3rd, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (0 Comments)

I missed you a lot… imbis na magdrama na naman… dadaanin ko na lang sa kanta… this song is for you po hon…

I would like to share this one…. kapag nakikita ko mga pics na to…. eto siguro isa sa mga reason why I still keep on holding on… love u honey…

Here are some of our pictures. I call this one our “Kulitan Moments…

Stick Around by Azure

How many times do I daydream
About making love to you
Take you to a special place
Where it’s only me and you
I put away all your troubles
On the other side of the world
And wrap my arms around your heart
And tell you you’re my girl
(So let’s go steal away in the night)
And I’ll go far away from here
(Tell you that’s where our love is right)
Can I take you to my world?

Chorus
Whenever you’re sad
Whenever you’re crying
I’ll be the one who wipes away your tears
Whenever you’re cold
Whenever you need me
I’ll be the one who runs to you
Giving my love
When you know how much I love you
So you better not let me down
I’m not asking for too much, baby
Just stick around

I quiet day in the country
Or a rainy night in my room
We’ll hide away under the sheets
If the morning comes too soon
An afternoon in your eyes
Or a lifetime in your heart
Forever just ain’t long enough
But at least it’s a good start
(Falling deeper in love with you)
Will you be there to catch me girl?
(I hope your falling deep with me too)
Can I keep you in my world?

Chorus

Forever, forever
Ooh… would you come on baby
(let’s go steal away in the night)
And I’ll go far away from here
(Tell you that’s where our love is right)
Ooh..

Cause, whenever you’re sad
Whenever you’re crying
I’ll be the one who wipes away your tears
Whenever you call me
Whenever you need me
I’m gonna be right there and give you my love
Yeah, and you know how much I love you
So you better not let me down
I’m not asking for too much, baby
Just stick around
Forever, forever

wait? for how long?

August 2nd, 2007 | Posted by JeanGrey in Personal - (0 Comments)

Friendster Horoscope for August 2, 2007

Taurus (Apr 20 – May 20)

Horoscope  wait? for how long? picture

The Bottom Line

Big changes are coming, but you shouldn’t be in a hurry to see them. Wait.

In Detail

You need to maintain a slower pace today — and allow yourself a little bit more time to accomplish all your tasks. There are changes coming up soon that could bring some confusion into your life, so you shouldn’t be in a hurry to move things forward. Being rushed will leave you too unfocused to deal with things as they come. Book yourself some spa time or pick a long movie to rent — settle down and let the world amuse you with its many delights.

Hmm… anong changes na naman kaya… sana kung meron man sana good news to…. I am really expecting something….. sana this is a positive one… atat naman ako sobra na malaman… ano ba yan… sabi nga wait dba…. tsk!

E ikaw? Nabasa mo na ba horoscope mo for today??

You must Login to your Friendster account first for the button to work

View Today’s Horoscope for Another Sign

Horoscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? pictureHoroscope  wait? for how long? picture

 

 

Happy Birthday Honey…

August 2nd, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (1 Comments)

Happy Birthday Honey

honey happy birthday honey image happy birthday honey happy birthday birthday  Happy Birthday Honey… picture

reminiscing: College days Part 1

August 1st, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship - (0 Comments)

Nabasa ko kanina yung blogs ni Urban Angel about sa past relationship nya sa isang guy… Naalala ko tuloy yung nagawa ko dati… during my college days nahumaling din ako sobra chat. Nung nagstart ako sa chatroom, puro guys pa nga ang kinakausap ko noon… In short wala pa ko sa mundong kung anong meron ako ngayon… Ni hindi pumasok sa isip ko dati na sa ganitong relationship pala ako mapupunta… e kasi naman puro guys ang crush ko e…. until now nga ni hindi ako nagkakaron ng crush sa girl… isa lang yata… etong Honey ko ngayon… hehehe

Actually I was only tempted kaya at first masasabi ko na nagtry lang ako sa ganitong klaseng relationship. Natempt ako kasi lagi na lang may nagtatanong sakin kung nakikipagrelasyon ba ko sa girl… e that time wala pa ko sa ganung relationship… nakakaasar kasi lagi na lang akong napagkakamalan. There were times na nagkaron ako ng mga friends, and eventually it turned out na may love interest pala… sa mga nakakabasa sige tawa ka lang kung gusto mo… Hindi ko nga alam kung bakit e… friendship lang ang inooffer ko pero kapag nagtagal, nag-iiba na sila…

Siguro nung college days ko merong 3 girls na nakaexperience ako ng sort of indescent proposal. Duh! Nagkaron pa ng matinding issue sakin nung naging friend ko tong si Maria (not the actual name). SObrang close nya kasi kapag nakikipagusap sakin… to the point na lagi nalang kaming pinagtitinginan ng mga classmates ko… sobrang close to the point na kapag nakikipagusap kulang na lang mahalikan ako sa lips e… and dati malapit yung inuupahan nyang house sa school, so kapag mahaba ang vacant time namin ay umuuwi kami sa house nya.. then tabi kami matutulog… hmmmm kakaasar kasi alam mo naman kung may gustong gawin yung isang tao dba? and nakakaasar kasi alam ko tinetest nya rin ako kung papatol ako.. Pero honestly walang nangyari.. Kasi panay ang iwas ko.. Di ko sya like and wala pa talaga yun sa isip ko. Kaya nung sumunod na semester iniwasan ko na sya… kumuha na ako ng ibang schedule para makaiwas lang…

Naalala ko pa nung dati na may nakasabay ako sa tricycle, classmate ko sya sa isang subject ko.. kaya pala bigla nalang nakipagfriends sakin and sobrang bait pati assignments minsan gusto pa ishare… Ayun lumabas din ang totoo.. nung nakasabay ko nga sa tricycle palabas ng school, nag-ask na sakin kung nakikipag-on daw ako and kung sakali kung may chance ba na maging kami.. Nyek… hehehe hmmm… nung time na yun di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya nagkibit balikat nalang ako… then kinabukasan umiwas na ko sa kanya and sa mga barkada nila…. Babaeng babae ang itsura pero di mo akalain na girl din pala ang gusto….

Ewan ko ba… kapag friends kasi gusto ko friends lang…. feeling ko para akong na-betray kapag lumalapit sakin tapos may ibang intention pala… e sakin wala naman kamalice malice yung pinapakita ko… So pano nangyari na may nadevelop? Kaya nung college days ko napaka-aloof ko sa ibang tao… lagi na lang kasing namimisunderstood yung friendship na inooffer ko…so kapag nagkakaron ako ng bagong friend at kapag nag-iiba na naman ng kinikilos…. iwas na ako agad… ang arte ko pa noon… ayoko ng pinagtitinginan ako ng mga tao ang iniisip nila na meron something na nangyayari samin nung kasama ko…

Nauso ang text dati nung time na yun… So bakit pat katextmate na girl, after ilang weeks or months, kahit di pa kami nagmemeet ay nagkakaron ng ibang interest… HIndi ko naman sila nilalandi noh…. I mean di naman ako nagpapakita ng motive so pano nangyari yun??

Then one day naisip ko tuloy… bakit kaya hindi ko i-try? Anywayz lagi naman akong napagkakamalan at lagi na lang yun ang isip sakin ng ibang tao so i-try ko na lang… So nakakita ako ng chatroom sa mIRC dati na exclusive for girls only… Syempre ang lahat ng nandun puro nakikipagrelationship sa girl din…

Ano ba ‘to habang kwento naman… kakain na nga muna ako… I’ll continue this later….

positive side of spam comments???

August 1st, 2007 | Posted by JeanGrey in Personal - (3 Comments)

I’ve noticed that I am receiving a lot of spam comments. Thanks to Akismet‘s anti spam! Is it ok to edit those spam comments, and change the comments to whatever message that I like? IP has been recorded right? so still, even if I will change the original content of the comment, the original IP of the person who leaved the comment will still remain. (more…)

Imagine life without internet

August 1st, 2007 | Posted by JeanGrey in Personal - (9 Comments)

Can you survive without internet? It seems that a lot of people now are really hooked up to internet. What will happen if one day you can’t access the internet? Imagine life without e-mail, youtube, friendster, facebook, wordpress, blogger, online games…. andyou can’t even pay your bills thru online… hmmmmm end of the world??? Tsk tsk tsk.. too bad huh! Watch this video….

news  Imagine life without internet picture

Things that I will surely miss:

1. Free sms messages thru Chikka.com
2. Free cellphone stuff ex. Mobango.com (ringtones, wallpapers, games and apps)
3. Free movies, news, trailers, music videos from ex. YouTube, Dailymotion, Google Videos, etc
4. Online games ex. Ragnarok, MU Philippines, Second life etc.
5. Yahoo messenger and video/audio chat
6. Daily news (Local and International)
7. Free showbiz chismis LOL
8. Goodlooking and not good looking faces na nagkalat sa friendster
9. Reading other people’s blog here at wordpress
10. BLOGGING and replying/approving comments

no way to run.. no way to walk… goodbye baywalk

July 31st, 2007 | Posted by JeanGrey in Personal | Rants - (8 Comments)

Ikaw ba ay mahilig magpunta sa baywalk??? Nabasa ko sa Inquirer.net ngayon lang.. pinapatanggal na pala ni Mayor Lim yung mga stages sa baywalk because of the loud noises? Hmmm… Sus naman… yung ingay po ba talaga ang dahilan para tanggalin????? or maybe…. dahil sa hindi nyo po project yan and kay dating Mayor Atienza po yan nagstart? Paano na ang free concerts? Ang free tambayan? I am not against Mayor Lim po. In fact sya pa nga ang gusto kong maging president next election e pero di ko lang talaga gusto ‘tong pagpapatanggal ng mga live bands sa baywalk. And syempre hindi rin ako Atienza fanatic (like ko sya kasi nag-improve naman talaga ang Manila) pero sana po wag naman tanggalin dba. Marami pang mas importanteng dapat gawin kesa tanggalin ang mga stages jan…. suss…. kung mangyayari talaga ‘to…. sana huwag naman bumalik sa dating itsura ang baywalk…. na boring…. puro pulubi na natutulog sa kalsada….. esep esep po muna sana bago magdecide.

pero kung tatanggalin na talaga… wala naman tayong magagawa e… pero sana…. iwan nyo na jan yung mga dinosaurs please… :) hehehehe di naman sila maingay eh kaya wag nyo ng alisin yan jan ok…

Hmmmm… Grabe naman… kelangan na ba talaga natin magpaalam sa baywalk???????

IMAGE SOURCE:

Manila / Baywalk by Julie Arnaiz

Dinosaurs on the boulevard By Howie Severino

EXTERNAL LINKS:

Manila’s Lim orders ‘noisy’ Baywalk stages removed

no way to run.. no way to walk… goodbye baywalk

July 31st, 2007 | Posted by JeanGrey in Personal | Rants - (0 Comments)

news manila bay baywalk  no way to run.. no way to walk… goodbye baywalk picture

Ikaw ba ay mahilig magpunta sa baywalk??? Nabasa ko sa Inquirer.net ngayon lang.. pinapatanggal na pala ni Mayor Lim yung mga stages sa baywalk because of the loud noises? Hmmm… Sus naman… yung ingay po ba talaga ang dahilan para tanggalin????? or maybe…. dahil sa hindi nyo po project yan and kay dating Mayor Atienza po yan nagstart? Paano na ang free concerts? Ang free tambayan? I am not against Mayor Lim po. In fact sya pa nga ang gusto kong maging president next election e pero di ko lang talaga gusto ‘tong pagpapatanggal ng mga live bands sa baywalk. And syempre hindi rin ako Atienza fanatic (like ko sya kasi nag-improve naman talaga ang Manila) pero sana po wag naman tanggalin dba. Marami pang mas importanteng dapat gawin kesa tanggalin ang mga stages jan…. suss…. kung mangyayari talaga ‘to…. sana huwag naman bumalik sa dating itsura ang baywalk…. na boring…. puro pulubi na natutulog sa kalsada….. esep esep po muna sana bago magdecide.…

news manila bay baywalk  no way to run.. no way to walk… goodbye baywalk picture

pero kung tatanggalin na talaga… wala naman tayong magagawa e… pero sana…. iwan nyo na jan yung mga dinosaurs please… hehehehe di naman sila maingay eh kaya wag nyo ng alisin yan jan ok…

Hmmmm… Grabe naman… kelangan na ba talaga natin magpaalam sa baywalk???????

IMAGE SOURCE:

Manila / Baywalk by Julie Arnaiz

Dinosaurs on the boulevard By Howie Severino

EXTERNAL LINKS:

Manila’s Lim orders ‘noisy’ Baywalk stages removed