lucid dreams

Wednesday, February 4, 2009
By lettersfromthesoul

Kagigising ko lang. Nanaginip ako. Nakita kita… pumasok ka sa isang room kung nasaan nandun din ako.. pero bago ako magising ang dami ko pang panaginip… ang iba halos di ko na maalala.. parang puro flashes na lang ng mga scenes.. pero sa panaginip ko sa buong gabing ‘to kasama kita. Ang tagal kong nakatulog. Mula kahapon at buong magdamag tulog ako. Alam ko nagising ako kaninang madaling araw dahil biglang pumasok ang nanay ko sa room ko… Chinecheck bakit tulog pa ako. Unusual kasi kahapon pa ko di lumalabas ng room. Sanay kasi sila na lagi akong gising. Kahit inom ng tubig wala. Kala nya kung ano na ang nangyari. Tapos lumabas na sya ng room ko. Hindi ko magawang bumangon hanggang sa nakatulog ulit ako at nanaginip ulit… Sayang di ko na masyadong maalala ang details sa mga naunang dream ko bago nitong huli na nagising na ako… Pero alam ko sa buong panaginip ko nandun ka…

Sa panaginip ko, hindi ko rin alam kung nasaan ako, kung anong room ba yun. Kung tatanggalin mo ang ibang gamit sa room ko at kama ko lang ang ititira parang ganito yun dahil sa setup at sa position ng kama at door. Paglingon ko sa door nandito ka na. parang takang taka ka. pero meron pang isang guy na nasa door din pero palabas na ang direction nya. nagkasalubong kayo sa door. di ko kilala kung sino yun. tinanong mo sya. sabi mo “Nasaan ako?” Sabi ng guy “Sige dito ka muna” tapos umupo ka na sa harap ko. nakasuot ka ng grey na sweat shirt na may zipper sa front… parang hoody type… then nakasneakers ang shorts… Una ang layo ng tingin mo. hinawakan ko ang mga kamay mo. ang lamig lamig mo sobra. Sabi ko “san ka nanggaling?” Meron pa kong isang scene na naaalala.

Naglalakad ka sa parang isang field. Maraming malalaking damo sa paligid. Nakita kita dun naglalakad ka pero parang di mo alam kung san ka pupunta. parang maguumaga na sa scene na yun. Parang ganito kagaya sa labas. tumingin ako sa bintana ngayon. Maguumaga na. Parang ganitong ganito ang liwanag sa labas sa scene na yun.

Nag-usap tyo. tinatanong kita kung natatandaan mo ba kung sino ako? ang sabi mo ang daming memories… “memories of you” tapos bigla kang tumingin sakin… sabi ko san ka ba galing. sabi mo nagcaroling. sabi ko sigurado ka? nakita kita nasa parang isang field ka? sabi mo “hindi ko alam ” “napadaan ako dun pero at least nakapagcaroling ako mag-isa” “Caroling na Mag-isa?” Tinanong kita ulit kung “naaalala mo pa ba ako?” Sabi mo, “Oo naaalala kita..” “Mahal na mahal kita…” “Ako lang ang mahal mo… ” “Please ako lang ang mahal mo… kahit ano mangyari wag mo kong iiwan..” “Kahit mawala pa ko… ako lang mahal mo please…..”

Nangingining ang mga kamay ko sa pagtatype… nagmamadali akong magtype baka kasi makalimutan ko ang mga sinabi mo…. Sa panaginip ko niyakap mo ko ng mahigpit…. iyak ako ng iyak habang hinahagod ko ang likod mo…

Naiiyak ako sobra…. parang sana hindi na lang ako nagising…. ayokong nananaginip ng ganito lalo na at sobrang clear…. Natatakot ako…. : (

Alam ko panaginip lang ang lahat…. Nananaginip ka lang Jean… : (

Tags: , , , , , ,

Random Posts

One Response to “lucid dreams”

  1. hello, jean gising ka na ba talaga? lagi mo kase syang iniisip e..siguro isa lang talaga ang puno’t dulo ng lahat ng ito,mahal na mahal mo kase sya kaya ganyan ang nangyayari sayo..minsan kase ang panaginip ay repleksyon ng kung ano ang ating iniisip palagi kaya pag tulog natin dala dala natin yon..

    ninerbiyos ako sayo jean, para manginig ka ng ganyan, ibig sabihin lang nun e napaka tindi ng panaginip na dumating sayo..medyo bawasan mo lang ang pag-iisip…maglibang ka ng konti para di masyadong mag-isip..god bless you

    payatot’s last blog post..mahal na mahal kita…at kahit kaylan….kahit nasan ka…..hahanapin kita…para makasama ka…

    #456

Leave a Reply