Minsan hindi ko alam kung tanga ka o nagtatangatangahan lang. Oo tao ka lang, may mga pagkakamaling minsan ay di maiwasan. Pero sa sitwasyon na meron ka ngayon, para bang walang lugar ang pagkakamali. Hindi pwedeng magkamali dahil napakasensitibo ng sitwasyon. Para bang isang mali lang ay mauuwi lang sa wala ang lahat. Ito ba ay isang kapraningan lang? O sadyang ito ang katotohanan kaya yun ang nararamdaman? Mahirap maghusga. Mahirap magtiwala sa “instinct” lang. May mga pagkakataon na gusto mong mag-usisa para linawin ang mga bagay-bagay na gumugulo sa isipan. Pero sabi ko nga sa sitwasyon mo ngayon, minsan mas mabuti pa ang manahimik na lang. Baka kasi kapag hindi napigilan ang damdamin, ang pagtatanong na yun ay maaaring magsilbing mitsa ng paglayo at di pagkaunawaan.
Oo, maraming bagay ang gumugulo sa isipan. Mas mabuti pang ipikit na lang ang mga mata at magbulagbulagan. Ididilat na lang muli ito sa tamang pagkakataon. At kelan mo malalaman kung yun na ang tamang pagkakataon? Hindi ko rin alam… Huwag kang mag-alala, dadating din yun… sana… At sa sitwasyong ito, sana naman ay hindi mo na hahayaan na maging aliping muli ng pagkakataon… Wala lang…