Isang paalala para sa mga Kapamilya…

Malapit na ang pasko… masaya sana kung makakasama natin ang mga mahal natin sa buhay diba?
Sino dito ang may kamag-anak na OFW? Ama… Ina… Ate… Kuya… Kapatid… Asawa… Kasintahan… Kaibigan… o kahit sino pa yan… sa mga kapwa Filipino na pinapadalhan lang ng pera dito sa Pilipinas…. tignan nyong mabuti ang mga pictures na nasa baba… isa lamang itong paalala para baka sakaling maisip natin na magtipid-tipid at gamitin ng tama ang perang pinagpapaguran ng ating mahal sa buhay… maaaring ganitong sitwasyon din ang kanilang tinitiis at titiisin sa mahabang panahon hanggang sa matapos ang kanilang kontrata para lang makapagpadala ng pera para sa kanilang mga kamag-anak dito sa ating bansa…

93cd109b1ea04b2980e3d86e0bf7dc91.jpg 181fd9c619114fce933de1b764775795.jpg f780f8e1579542319f1a144f6d20c332.jpg 7018000d6a0548b5ba549fb873d7a47e.jpg

Napakasakit isipin na ganito pala ang dadatnan ng isang taong importante sa buhay ko… kaya kung may kakilala kayo na nag-aapply pa lang as Nurse or kung ano mang klaseng trabaho yan… be sure na kausapin nyong maigi ang agency na pinag-aapplayan nyo at sana nagsasabi din sila ng totoo! Nakakalungkot lang isipin na pumasok sya dun as Nurse tapos sya pala mismo ay magiging pasyente din… ilang araw ng mataas ang lagnat at pabalik-balik… ang masama nito walang sick leave! at kahit na di pa magaling ay kailangan magtrabaho ulit sa oras ng duty… kahit hinang hina ka pa… basta oras ng trabaho kailangan magtrabaho… :(
Ikaw na nagbabasa nito… may kamag-anak ka ba na nasa ibang bansa? Sana mag-silbing paalala ito sa ating lahat na kailangan ay magtipid at para sa mga estudyante na nagbubulakbol sa pag-aaral…. mag-isip isip kayong mabuti! tignan nyo kung ano ang tinitiis ng mga mahal natin sa buhay para lang makapag-padala ng pera sa atin… sana sa bawat luho na binibili natin… sana magdalawang isip tayo bago gumawa ng hindi tama…

3bb7d87eb080423c858caa760d437b43.jpg c44284235d5f4aa8a3217a982d366e3e.jpg 61524593a34540c8ac71060bbc09300b.jpg

Sigh…. 3 days na syang nilalagnat… Bronchial asthma daw ang sakit nya sabi ng doctor… siguro sa pagod or maybe nahawa sa ibang patient… sana lang hon gumaling ka na….

Sa araw ng Pasko… maghahanda ako pero kahit malayo ka man ngayon, sabay pa rin tayong kakain… magkalayo man tayo ngayon pero nandito ka lang sa puso ko… (awsss corny na) magkaiba man tayo ng oras pero sasabay ako sa oras mo para sabay pa rin tayong kakain ng handa natin…. kagaya ng ginagawa natin nung magkasama pa tayo… Miss na miss na kita… Sana gumaling ka na…

 

Ikaw na nagbabasa nito na may kamag-anak sa ibang bansa… kamusta kaya sila dun? Okay lang ba talaga sila kagaya ng kinukwento nila sayo…?





3 Responses to “ Isang paalala para sa mga Kapamilya… ”

  1. she’ll be okay, jean. don’t worry. let’s just pray for her fast recovery. sana nga maintindihan ng mga families ng ofw’s na hindi pinipitas ang pera sa abroad. minsan nakakaawa sila kasi kapag umuuwi dito para magbakasyon sila parati ang taya eh. sana minsan makauwi naman sila nang hindi ganon ang dadatnan.

    pao’s last blog post..Open to try any position

  2. sana nga pao gumaling na… nag-aalala ako ng sobra para sa kanya…

  3. oh that’s just too bad my friend… i’m a nursing researcher so i know the pain experienced by family members when they see a family member in sickness and discomfort… let’s just pray for the sick

    jessie’s last blog post..Viewing Some Blogs Using Internet Explorer is Not Visually Appealing

Leave a Reply

You can use these XHTML tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <blockquote cite=""> <code> <em> <strong>