Ilang tulog na lang at magpapasko na… ang sarap tignan ng mga batang masasaya… sabik sa mga regalong matatanggap nila… minsan di mo ba naiisip? “Ang sarap maging bata noh?” Ang simple lang ng buhay nila… Maglalaro… kakain… papasok sa eskwela… matutulog… kinaumagahan ganun na naman… “Naalala mo pa ba?” Nung mga panahong magkasama tayong dalawa? Ang mga panahong yun na para tayong mga bata… Diba? walang masyadong iniisip na problema… kung meron man di natin yun masyadong inaalala dahil para tayong mga bata… mga hibang… masaya…
Ang kuwarto kong ito na dati ay puno ng saya… tawanan… kulitan… taguan… habulan… asaran… pikunan… lambingan… ngayon tignan mo… nakakabingi ang sobrang katahimikan… mala-probinsya ang lugar na ito… lalo na sa gabi, kaya dinig na dinig na ngayon ang mga kuliglig… sila lang ang tanging kasama ko ngayon sa buong gabing malamig…
Minsan para akong nagigising sa isang bangungot… mapapabalikwas at hinahanap kung nasaan na ba ang katabi ko lagi sa pagtulog… Nasaan na ang mga ngiting yun? Na sa tuwing bago ako matulog ay maglalambing? at sandaling magpapamasahe… para pansamantalang makalimutan ang pagod sa buong araw… Hinahanap hanap kita… Nararamdaman mo ba?
At ngayon… wala akong ibang kasama kundi ang unan na lamang na minsang iyong kayakap din sa pagtulog habang nandito ka at kasama ko sa ating higaan… Maniniwala ka ba? Na mas bangungot pala ang pakiramdam?? na magising at matauhan na wala ka na nga pala sa aking tabi… Alam mo ba? Miss na kita sobra…
Pasensya na madrama na naman ako… sa totoo lang… miss na kasi kita… kaya ngayong nandyan ka… Iisipin ko na lang na matagal na panahon akong matutulog… at sa pag-gising ko isang araw… pagdilat ng mga matang to… ikaw na ulit ang unang una kong makikita… Sana isang araw sa aking pag gising… nandito kana ulit sa tabi ko at kayakap ka….
Huwag kang magalala… hihintayin kita… Basta’t nandyan ka… lagi akong aasa na balang araw magkakasama pa rin tayong dalawa…
Would you like to be my Guest Blogger? Submit your entries at
January 15th, 2008 at 6:10 pm
for the blog basta`t nandyan ka…
its just the same as an ordinary blog…
but it touches my soul…
coz im in a same situation as dis blog is telling…
tnx 4 sharing!
January 16th, 2008 at 5:30 pm
H0n, d2 lng ak lagi 4u. Tnx po h0n ko. I luv u so mc. Mwaah!