my thoughts… my stories… my life…
Header

My Soulmate : My honey

November 4th, 2007 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship

I got tagged by Mareng Pao.

The instructions of this game are simple. It’s a blog post about your significant other (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post:

1. First name: if he doesn’t like his name plastered all over the internet, a pet name will do.
2. How and where did you meet?
3. Characteristics
4. Your plans 20 to 30 years from now.

==

— is my honey’s first name. We’ve known each other for more than 4 years now.

May 14, 2003 – the very first day that I’ve chatted with her. Di maganda ang situation bago kami nagkakilala. Katatapos ko lang magslash ng wrist nung mga oras na yun…. why? Problemang malupit… Anyways, my suicide attempt obviously failed kasi nga nakapagchat pa ako… my mom arrived too early so yun… walang nangyari… then nung gabing yun nakausap ko sya. at first di ko pa nga pinapansin e… but later on naawa ako kasi salita ng salita wala naman kausap… so I talked to her na rin… I don’t know pero there must be something about her that I can’t resist… Hanggang sa umabot ng June 9, 2003 nagmeet na kami…. Mahilig sa surprise ang taong to, basta bigla na lang nagdecide na pumunta sa computer shop ko at sobrang aga ha! hmm… hindi pa kami nagmemeet in person pero like ko na talaga sya… at lalo na nung nagmeet na kami… wala na… di na ako nakatanggi… LOL joke lang… actually I asked her if I have a chance na maging kami… syempre… obvious naman na like nya rin ako… (kafal) LOL kaya ayun naging “Officially GFs” kami nung June 10, 2003.

Of course dahil bago pa lang kami, we need time to spend with each other… so every weekends lumalabas kami. Dun ko naranasan magovernight… Hmmm… LOL sarap magreminisce…. Ganun pala yun noh.. Marami kang makikilalang tao pero meron talagang bukod tangi na magstand out sa kanilang lahat… Time will come that you will be serious in a relationship… no playtime… no pretentions… lahat totoo!

CHARACTERISTICS : masyadong mapagalaga ang taong to…. kung guy lang ako masasabi ko talaga na sya yung taong pang “4EVER” corny man sa iba but who cares! I’m in love…. sa pagaalaga, sa pagmamahal at pagiging maasikaso…. lahat lahat… She’s the best! Mahirap makahanap ng taong makakasundo mo sa halos lahat ng bagay… hmm minsan may mga tampuhan siguro dahil pareho kaming makulit at parehong palaban… Taurus and Leo e… pero hindi matatapos ang araw na hindi kami magkakasundo… may mga hindi magandang nangyari nung mga past months… pero masasabi ko na malaking tulong yun for this relationship to grow…

natutunan ang dapat matutunan… mas habaan ang pasensya… mas maging mapagintindi… walang perfect relationship… pero ang importante… sa lahat ng mga pagatatalo… kung nai-voice out mo na ang opinion nyo na hindi magkasundo at napakapagbitaw ng masakit na salita, dapat matuto pa rin na magsorry, magpatawad at intindihin mas lalo ang bawat isa… LOVE, RESPECT and a lot of UNDERSTANDING… kaya until now ay happy pa rin kami… love you honey…

PLANS? hmmm…. Of course just like the other couples… kahit naiiba kami sa lahat, may future plans pa rin kami… someday… wala akong ibang gusto kundi ang gumising sa umaga na mukha ng taong mahal ko ang makikita ko… ang matulog sa gabi na sya ang kayakap ko… ang makarating sa mga lugar na pinapangarap naming puntahan at ang magkaron ng sarili naming tahanan…. syempre marami pang iba pero sa dami ayoko ng isulat… secret.. ;P

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 You can leave a response, or trackback.