my thoughts… my stories… my life…
Header

Never be afraid to say what you feel… you can only die once!

October 13th, 2007 | Posted by JeanGrey in Personal | Rants

Never be afraid to say what you feel… you can only die once! – lately marami akong napapansin na changes sa paligid ko… may mga matatapang na nababahag ang buntot… mga dating duwag na parang nag-adik sa redbull na hinaluan ng sobrang daming chili powder at ngayon ay biglang tumapang… mga tahimik na biglang nag-iingay… mga matatalak na biglang nanahimik… mga emo na biglang nag-lafftrip… mga clownz na biglang nag-emo… mga closet queens and kings na nagladlad ng kapa… mga dating mababait na tinubuan ng sungay… mga demonyitos at demonyitas na naging anghel… mga wasak ang utak na nabuong muli… mga nasa tamang pagiisip na naging tuliro… at kung anu-ano pa….

Never be afraid be not afraid  Never be afraid to say what you feel... you can only die once! picture

buti pa si doggie kahit maliit pumapalag… kahit ano pa man ang content ng blog mo… di dapat mahiya… di dapat mainsecure… di dapat magtago… di dapat magpaapekto sa komento ng ibang tao…. blog mo yan e… opinion mo… di dapat magpadikta sa pananaw ng iba… kahit pa ang pananaw na ito ang pananaw ng mas nakakarami… minority versus majority? tama ba ito?

ang sakin lang… sige magsulat ng magsulat… as long as wala kang tinatapakan na ibang tao… wala kang tinuturo na specific na tao.. dahil kapag ginawa mo yan…. sigurado ako… bukas uulanin ka ng batikos dito… bakit? kinanti mo e… pare pareho lang tayong tao… lahat may kanya kanyang gusto… may pansariling damdamin… pero wag na wag kang makikialam kung ayaw mong ikaw naman ang pakealamanan…

mga pilipino titirahin ang kapwa nya pilipino…. nakakahiya… mga anay!! kung nabasa mo to at nasaktan ka… tignan mo ulit yung pic sa taas!!

yun lang!

kung may nabitiwan ka man na salita at marami ang umalma… may magagawa pa ba? sorry? panindigan mo! nakapagsalita ka na e… nasabi mo na ang gusto mong sabihin…. pero… humanda ka… karma karma lang yan… :lol:

UPDATE:

Sana mali ako… sana mali ang naiisip ko na may tumitira ng pailalim dito… masama ang feeling ko sa pagkakasuspend ng blog ni Kuya Selvo… sana mali ako… pero kung totoo man ang hinala ko… eto ang mensahe ko para sa gumawa nun…

Hoy kung sino ka man! tignan mo maghapon ang picture ng doggie ko sa itaas! yan ang bagay sayo!! maliit man kami pero di mo kami masisindak sa ganyan…

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 You can leave a response, or trackback.

No Responses