Last Christmas With You…


Ramdam mo ba? Mga nagdaang gabi ay lumalamig na… “BER” month na kasi… ilang months na lang at Pasko na…

Habang nagsa-soundtrip ako kanina… biglang pinatugtog sa radyo ang kanta ni Ariel Rivera na ang title ay “Sana Ngayong Pasko…” Umpisa pa lang ng kanta ay tinamaan na agad ako… nangingilid ang mga luha sa aking mata… natigilan ako sa pagtutupi ng mga damit natin na after 1 month ay kahapon ko lang nabigyan ng panahon para malabhan… Naalala ko lahat ng happy memories nating dalawa… dito sa aking kuwarto… sa “ating kwarto…”

 

Sana Ngayong Pasko by Ariel Rivera

Last Christmas… Naalala mo pa ba?? yun ang unang Christmas na magkasama tayong dalawa… dati kasi kapag Christmas syempre family day yun kaya talagang umuuwi ka sa probinsya nyo para makasama ang parents mo… at ang mga kapatid mo… pero last year… ipinagpalit mong lahat yun… kahit gaano ka-hectic ang schedule sa hospital makasama mo lang ako… makasama lang ang family ko…

Maraming salamat at nabigyan pa tayo ng chance na magkasamang dalawa sa araw ng Pasko… tini-treasure ko yun sobra… at ngayon na nasa Saudi ka na… magkahiwalay man tayo ng lugar na kinalalagyan… pero alam ko pareho na tayong masaya ngayon dahil ok na ulit tayo…. mahal na mahal kita… Malayo ka man pero ikaw lang ang nandito sa puso ko… kahit marami man ang di sang-ayon sa relasyon na to… pero patuloy pa ring lumalaban… nandito pa rin tayo… I love you honey….

Kapag may internet connection ka na jan sana ay mabasa mo to… at makita ang mga picture na to… di ako sigurado kung nabigyan kita ng copy nito e… Basta ingat palagi… wag ka mag-alala kahit malayo tayo sa isa’t isa behave pa rin ako… kaya wag ng masyadong mag-alala ha?

No Comments »

  1. selvo Says:

    ang sweet naman… sana masaya pa rin ang pasko mo this year… kahit na di pa ito ang pinakamasang pasko mo sana lang masaya… magpa-araw ka naman huy…

    comment-bottom
  2. JeanGrey Says:

    I’m sure magiging happy pasko ko… marami namang reason para maging happy :) kuya selvs!! vampira ako e bawal ang araw ;)

    comment-bottom
  3. joyjoy Says:

    pareho pala tayo… malayo sa minamahal…

    joyjoy’s last blog post..this woman made me think

    comment-bottom

RSS feed for comments on this post. TrackBack URL

Leave a comment