my thoughts… my stories… my life…
Header

foodtrip #001 : uod for food

October 3rd, 2007 | Posted by JeanGrey in Things That Matters

Peasants in Oaxaca raise worms that are considered a delicacy among Mexicans. Worms are also included in bottles of Mezcal – a local liquor very similar to Tequila.

=========

Yuck! kahit yan na lang ang natitirang pagkain hindi hindi ako kakain nyan!

Naalala ko tuloy nung elementary pa lang ako, madalas kaming magpunta ng family ko sa Laguna para makibonding moments sa Tita Precy ko. Naaalala ko pa, meron silang tanim na puno ng bayabas sa likod bahay at talaga naman… Sobra ang pakatuwa ko nung makakita ako ng ganung kalalaking bayabas. Kung gaano kalaki? Para sigurong ulo ng batang 2 years old. Di ko alam kung saan iko-compare basta malaki sya.

Sa tuwa ko hinatak ko si Father sa likod bahay para magpapitas ng isang bunga… Pero syempre hindi naman ako kakain nun dahil di ako kumakain ng bayabas e. Natuwa rin si father kaya dali dali syang pumunta sa kitchen para hugasan muna ang bayabas bago kainin.

Sa katuwaan nya, hinati nya lang sa gitna ang bayabas at ni hindi man lang tinignan mabuti ang kanyang isusubo. nung makagat nya na bigla akong nag-freak out… Napatili ako dahil nakita kong naglalabasan ang maputi at maliliit na uod sa bayabas. WAAHH!!!!

Sa pagkaschock ay naibalibag ni Papa ang hawak nyang bayabas… Kaya kayo jan… ang moral lesson… wag subo ng subo ng basta na lang dahil di mo alam baka kung ano na pala ang meron sa isusubo mo… Yuck!

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 You can leave a response, or trackback.

No Responses

  • pinaalala mo, hehehe, noong nasa La Union pa ako sa bahay ng frend ko andami nilang papaya, magsasawa ka talaga, andaming basta nalalaglag na lang, yong frend ko nakakita ng medyo hinog, hinugasa lang ang binalatan, hinati at subo agad, tawa ako ng tawa kasi andaming maliliit na puting uod, parang mga maggots, hehehe

  • JeanGrey says:

    waaaaaaaaaa!! heheheh! nakakakilabot tignan yung mga uod na naglalabasan… :lol: hey salamat po ulit sa pagbisita :D