Facts about life

Wednesday, October 3, 2007
By JeanGrey

Madalas nandito lang ako sa harap ng computer… halos 24/7 nakaonline. Nagbabasa ng kung ano ano na nakakapukaw ng aking atensyon… Sa pagiging addict ko sa computer at internet, maraming bagay na akong natutunan at sa palagay ko sa mga susunod na panahon mas madadagdagan pa ito… Gusto ko lamang isulat dito ang mga bagay bagay na aking natutunan at nakapagpabago sa aking buhay:

Dati rati inis na inis ako sa mga taong nagsasabi na “Tao lang ako…. nagkakamali rin” pero sapalagay ko ay hindi sapat ang mga salitang yan… nung mga lumipas na araw ay nakagawa ako ng malaking pagkakamali na naman sa buhay ko… at muli ko na namang nasabi sa sarili ko na “Jean… di ka na nagtanda…” Di ko na matandaan kung ilang beses na akong nasaktan dahil sa pagpapahalaga sa mga taong nagiging malapit sakin… Paminsan minsan mas mabuti pa na hayaan mo na lang na masaktan ang mga taong dapat masaktan… Hayaan silang matuto sa sarili nila…. Hindi dapat magsalita kung hindi nararapat…

CommentYou.com is your One Stop Shop

Muli na naman akong nasaktan dahil sa pagiging concern ko sa iba… Nakalimutan ko na naman na may kanya kanya tayong buhay… at di dapat pakealaman at pangunahan… feeling ko talaga ay mali ko yun… at gusto kong humingi ng sorry sa taong nasaktan ko ang kalooban… tao lang din ako at sa maniwala man o sa hindi ay wala akong intensyon na makasakit or kung ano man… Hinding hindi talaga….

At para sa taong sarili lang ang ata ang inisip at pinairal ang pagiging isip bata… maraming salamat din… marahil ay bata ka pa nga at hindi inalala kung ano ang magiging epekto ng iyong ginawa… pero nangyari na ang dapat mangyari… malaking aral ito para sakin….

Sa susunod kailangan talaga na matutong balansehin ang mga bagay bagay. Hindi pwedeng humigit pa sa iyong limitasyon. Hindi pwedeng magpahalaga ng sobra sobra… Hindi pwedeng magmahal ng sobra sobra… lahat ng bagay dapat laging nasa tama… para maiwasang masaktan diba?

At kagaya ng nasabi ko sa mga nakaraang entry ko… pwede naman magmahal sa kahit kanino (kaibigan man or kamaganak or special someone) na tahimik lang… na ikaw lang ang may alam… pwede naman magpahalaga sa isang tao kahit na di nya alam… salamat sa konting panahon ng pagpapasaya… Kahit sa konting panahon lang ay na-appreciate ko yun sobra… mahalaga ka sakin kala mo….

================

Ok enough na sa drama… nung mga nakaraang araw pa ay nagugulat ako talaga sa mga nalalaman ko… may mga nagpi-pm sakin sa YM at kahit na hindi ko kakilala ay kinakamusta ako… May mga nagbibigay ng payo… may mga nagpapakita ng concern. May mga nagpapakengkoy para ako’y matawa… Maraming salamat sa inyo at sa mga message nyo for me… di ko inaakala na may mga nakakaapreciate din pala… wag kayong mag-alala… ok na ako ngayon… nakarecover na ako sa isang taong (1 year) yun na pakiramdam ko para akong sinumpa… at alam ko na magtutuloy tuloy na to… magkalayo man kaming dalawa ngayon pero…. “Kami na ULIT!” Yeah! :D Sarap talaga ng may taong nagmamahal… Corny na kung corny! care ko ba basta masaya ako.. :P I know magulo lang talaga ang mga pangyayari pero Happy ako at ok na kami…. Salamat sa inyo guys… sa mga taong concern dyan… at sa mga nagtext pa… :lol: maraming salamat… :D

Mabait talaga si Lord… kapag dumadating ako sa times na feeling ko lugmok na lugmok na ko…. nanjan sya ulit pra abutin ang kamay ko… ginagawang instrumento ang ilan sa mga tao sa paligid ko…

Sabi ko sayo hon pagsubok lang yun… kapag nalampasan natin mas magiging ok tayo ulit… Kung ano man ang nangyari sa past… past na yun… iclose na natin ang libro at magumpisa ulit ng panibagong chapter sa buhay natin… Mahal na mahal kita… Advance Happy 4years and 4th monthsary….

Others also read this

No Responses to “Facts about life”

  1. heaven

    Tok tok, napadaan lang po! Gandang umaga! :)

    #763
  2. Congrats Jean! :) Sana rin di ka rin magsawang tumulong sa mga taong nagpi-pm sa yo sa ym para magpatulong! Hehe!

    #762
  3. @heaven hello there!! nice aga mo sa ym knina ah… sa work ka na non ano? thanks sa dalaw ha? ;)

    @kuya kiko
    walang problema dun kuya kahit maghapon pa magturuan ;) i am always willing to help just buzz me sa ym ;) hehehe

    #764

Leave a Reply