|
|
Pagsuko
Pagsuko
by Isagani Dela Cruz
Kapag inasnan na ng luha ang unan at ang pisngi
At kapag ang bulong ng pagtatalo, sa tainga’y bumingi
Isasalaysay mo ba nang paulit ulit ang gunita?
Ipipikit mo ang mata sa nakikita?
Kapag ang pangako sa katuparan ay lumayo
Ang pahina ng kalendaryo bumibilis sa paglaho
Ipaaalala mo ba ang tuldok, saknong at tanong
at tandang padamdam sa dulo ng rumagasang kahapon?
Kapag ang tanong ay hindi na masagutan,
at sagot ay hindi na mapaniwalaan,
ang paniniwalang, ngayon na ay pinag-dududahan
saan patutungo ang patutunguhan?
Hanggang kailan, sa pagkapit ay hindi ka bibitaw?
Hanggang kailan nararapat na ang pako ay laktawan?
Magbingi-bingihan, bulag-bulagan, o, hanggang kailan?
Hanggang kailan ang sinasabi nilang walang hanggan?
Submitted entry
Pagsuko by Isagani dela Cruz
Visit Isagani X – Medical Assistant @ Blogosphere
lettersfromthesoul
Random Posts |
|