reminiscing… over and over again…


YouTube Preview Image

6 Cycle Mind - Dinamayan

sabi ko ayoko na ng emo… hmmm… pagbigyan nyo na ko…. this song is for you po hon… kung dati nasa province ka lang… ngayon nasa saudi ka na… kahit malayo ka na at kahit wala na tayo.. gusto ko pa ring malaman mo na mahal pa rin kita… maraming salamat sa love mo… di ko maiwasang hindi mag reminisce… at narealize ko ang dami ko rin namang pinagbago but for good ha…. kung dati suicidal ako kapag nasa ganitong situation…. ngayon hindi na… maraming salamat at nabago ko na yun.. at dahil yun sayo… naliwanagan ang isip ko na hindi dapat ganun… kailangan lumaban… kailangang paglabanan ang problema at hindi solution ang katarantaduhang yun na nagawa ko dati… maraming salamat sa pagmulat mo sa akin sa maraming bagay…

alam ko mas mahirap ang situation mo ngayon dahil malayo ka na sa aming lahat… at lalo na sa family mo.. bow ako sayo… ikaw yung taong mas uunahin ang kapakanan ng iba… lalo na ang pamilya… kesa sa pansariling kaligayahan… wag ka mag-alala… naiintindihan kita… alam ko mas marami kang dapat isipin ngayon… alam ko makakayanan mo yan… ikaw pa? small but terrible! ikaw pa rin ang dyosa para sakin… ang nag-iisang dyosa ng buhay ko…

I know God has a better plan for us… bigla ko tuloy naalala ang lagi kong ipinagpi-pray everytime na pumapasok ako sa simbahan… sa mga times na magkasama tayo habang pumapasok sa simbahan para magdasal, ni minsan di ako humiling para sa sarili ko… lahat ng dasal ko para sa ibang tao… lahat para sa family ko at sayo… naalala ko tuloy na lagi kong ipinag-pi-pray kay God na magkaron ka ng malaking break sa job… at sinabi ko dati sa Kanya na kahit ano pa ang maging kapalit nito basta ma-grant nya lang yung wish ko for you… bigla ko tuloy naisip ngayon na… “eto na ba ang kapalit?” ang relationship natin na alam ko naman sa umpisa pa lang ay hindi dapat… alam ko namang mali e… pero wala akong magawa… mahal kita… at alam ko mahal mo rin ako… pero kung ito na nga ang kapalit ng mga dasal ko….. wala akong magagawa… tatanggapin ko…. happy pa rin ako sa mga nangyari…. dahil alam ko mas ok ka na po sa situation ngayon….

always takecare…. bahala na kung anong mangyari… basta always remember na nandito pa rin ako… maging tayo man ulit or hindi na…. basta… i will always be here for you… i love you so much…

No Comments »

  1. Paurong Says:

    ayaw nga ng emo pero this is emo. i understand ganyan din kasi ako. He has a better plan for you. don’t worry.

    comment-bottom
  2. JeanGrey Says:

    LOL sensya na. di bale last na yan (sana nga) =P salamat sa pagbisita po. hirap mawala ng pagka emo emo na yan e… hirap gamutin parang fungi na pabalik balik!

    comment-bottom
  3. Hi Jeangrey, long time no hear. I think missed a lot in here. Natouch naman ako sa essay mo. Paano, nakarelate kasi ako eh, hehehe. Ang bf ko actually galing ng saudi, pero andito na siya with me. Last year he left me for Malaysia, namiss yata ako, hindi tinapos ang kontrata at bumalik agad, gusto uli bumalik abroad pero hanggat kaya ko, pinipigilan ko siya. Buti na lang medyo kaya pa ng powers ko. Kung hindi, if i really have no choice, anytime from now, babalik ulit siya abroad for his family and for us. Good Luck sa yo jeangrey, sana nga mabigyan ka ng break, i think you are smart. you can do it^^

    comment-bottom
  4. JeanGrey Says:

    @lordmanilastone
    maraming salamat po ulit sa pagbisita dito sa blog ko. hmmm nakakarelate ba? tayo lang yata nagkakaintindihan e. LOLZ nakakamiss talaga kapag malayo mga special someone natin noh? I’m happy for you na magkasama kayo ngayon. ;) sana wala ng iwanan at wala ng magkakalayo pa.. Goodluck din po sayo.. idol kita lam mo ba yun? no joke.. ;) Godbless!

    comment-bottom
  5. chuvaness Says:

    Hmmmmmm…..

    JeanGrey = EMO

    Nyahahhaha :D
    PS
    when God closes the door, He open the windows (plural yan, ibig sabihin madami yan…madami jan)

    comment-bottom
  6. JeanGrey Says:

    kainis ang emo na yan ang hirap puksain e.. LOL

    @chuvaness
    salamat sa pagbisita po sis! salamat sa mga makukulit at masasayang tao d2 sa wordpress.. ;) konting time pa at mawawala na rin ang pagka emo ko na to.. :D

    comment-bottom
  7. camille Says:

    ahayyyy ah…

    kakatats nman… sabi nga nila, pag alam mong magiging happy ang mahal mo, magiging happy kna rin para sa knya.

    comment-bottom
  8. Tnx honey at lagi kng nandyan para sakin at sa relationship natin mwah! I LOVE YOU HONEY…always and forever

    comment-bottom

RSS feed for comments on this post. TrackBack URL

Leave a comment