“HIPON”

Posted September 13th, 2007 by JeanGrey

‘di ko makakalimutan nung lunes ng umaga habang nasa MRT kami ni honey papuntang DFA, hindi mawala sa isip ko ang nakasabay naming 2 pasosyalites na girl na sigurado akong nagwowork sa call center. sumakay sila sa GMA kamuning station. pagpasok pa lang ng MRT ang iingay na nilang dalawa. pero mas maingay etong isang pasosyal na girl na tatawagin ko na lang sa pangalang “HIPON”

Parokya ni Edgar - Silvertoes

paghinto ng tren sa GMA kamuning station ay sumakay ang dalawang pasosyal na babaeng ito. pagpasok nila ay biglang nabasag ang katahimikan sa loob ng siksikang tren na yun at napansin ko na lahat ng kapwa ko pasahero ay interesadong makita kung sino ang dalawang babaeng ito. Ang ingay!! kala mo kung ang layo ng distansya nilang dalawa kung mag-usap. e magkaharapan lang naman sila! mas lalong nakakairita kasi nasa likod ko pa ang babaeng HIPON na sinasabi ko. lahat yata ng pasahero ay nakita na kung sino ang maingay na yun maliban sakin dahil nasa likod ko nga.

ok fine, gusto nyong maging center of attraction. bakit kaya ang ilan sa atin kung minsan ay may ugaling magpapansin. mga pinay na pinay naman ang itsura pero kung makapag english kala mo kung magkapilipilipit ang mga dila ka kaka-slang. sige na nga miss bow kaming lahat sayo. walang reklamo magaling ka naman po talagang magsalita. napansin ko yung kausap nyang friend nya ata or kasama nya lang din sa trabaho ay hindi masyadong nag e-english pero dahil nag e-english ang kausap nya kaya obligado na rin syang magsalita ng english at sinabihan pa sya ni babaeng HIPON na “sa work bawal magtagalog so talk to me in english..” nakalimutan ata na wala pa sya sa work place nya!

isa isa kong tinitignan ang reaksyon ng mga babeng pasahero din na napapangiwi na lang at yung iba ay mga nakataas na ang kilay dahil kung magkwento etong si babaeng HIPON ay sobra sa yabang at feeling napakaganda nya at lahat ng tao sa workplace nya ay ina-admire sya. mainit sa loob ng MRT dahil sobrang siksikan pero parang may kung anong bagyo ang nabuo dahil sa yabang ng babaeng ito. gusto ko lang i-emphasize na hindi yung pag-eenglish nya ang nakakairita kung hindi yung kayabangan nya….





pagdating ng SHAW station medyo nabawasan na ang tao dahil marami ng nagbabaan. at last makakahinga na rin ng maluwag. at nung moment na yun nagkaron ng chance ang dalawang girl na to na lumipat ng pwesto dahil nakaharang sila sa pintuan ng tren. so lumipat sila sa gitna.

excited akong makita kung sino ang matalak na babaeng yun dahil feeling ko ang ganda ganda nya at maganda rin naman ang boses… at nung nakita ko na…….. HEHEHEHEHHEE!!! hindi naman sa pang-aalipusta pero hindi ko maiwasang itanong sa sarili…. “bakit ganun…..????” kung ang pagbabasihan ko ay ang mga kwento nya ay para bang lahat ng taong kakilala nya ay may crush sa kanya na parang dead na dead sa kanya at gusto palagi na sya na lang ang kasama….

maiintindihan ko sana kung sya ay kalog na tao kagaya ni Pokwang na sa aking opinion ay masarap kasama dahil sigurado mawawala ang problema mo kapag kasama mo sya…. pero etong babaeng hipon kapag nakasama mo ay maiirita ka lang palagi at mapapabuntunghininga ka na lang… yung kasama nya ngang girl kung kausapin nya ay binabara bara nya e… at sa bibig nya na mismo nanggaling na kahit pati superiors nya ay nababara bara at nasasagot sagot nya at wala syang pakealam! hindi naman daw kasi makapiyok din ang mga taong yun… at take note! buong pagmamalaki nya pang sinabi na sya lang daw ang nakakagawa nun sa office! grabeh talaga!

patawarin sana ako ni Lord dahil nung time na yun ay umiral ang pagkalaitera ko… nagkatinginan kaming dalawa ng honey ko at sabay kaming napatawa ng malakas…. at pareho naming nasabi na…. “ahhhh kaya naman pala ganun sya…. ” sabay tawa naming pareho…. ngalay na ngalay ang pisngi ko dahil di ko mapigilang mapangiti sa nakita ko…. hmmmm buti na lang magaling syang magsalita…. yung ibang mga pasahero na iritang irita kay babaeng hipon ay napansin kong nakitawa na rin nung nakita nila kaming dalawa ng honey ko na tumatawa.. at lalong may mga hindi na makapagpigil sa tawa nung nabanggit namin ng honey ko ang term na “HIPON”

bakit nga ba “HIPON”? nakalimutan ko na kung kaninong blog ko nabasa ang term na yan…. kaya HIPON kasi “tapon ulo” yun lang! ;-P

pasensya na kung lumabas man ang pakalaitera ko… aminin natin na may kanya kanya rin tayong masamang ugali diba….. di ko lang maiwasang di mailabas ang pagkalaitera ko kapag nakakatagpo ako ng taong ganyan….. SORRY…

Would you like to be my Guest Blogger? Submit your entries at

© 2007-2008 Letters From The Soul - our thoughts... our stories... our lives...


No Related Post

2 Responses to ““HIPON””

  1. Kiko Matsing Says:

    Hahaha! Yun pala ang tawag sa mga ganun, Hipon! May napulot akong bago! Tenkyu! :)

  2. JeanGrey Says:

    @kiko Hello po Kiko! :) salamat po sa pagdalaw sa aking blog. May nabasa lang din kasi ako dati na entry, kapamilya blog din. kanino kaya yun. dun ko napulot ang term na yan e.

    Kiko pahingi naman ng saging! ;)

Leave a Reply