Thanks to chuckie for tagging me. At last makapagupdate man lang ng post
- FOOD - i used to eat “balot” nung bata pa ako… from tuka hanggang paa… hinihimay himay ko pa nga yun e at kahit araw araw mo pa akong pakainin yan ay hindi ko tatanggihan… but now hindi ko na kaya!
(gusto ko lang i-share tong video about balot.. LOL kakatuwa lang ang pagkakagawa ng video)

(at eto naman ang tutorial “daw” kung paano kumain ng BALOT! LOL ;-P)
- FRUITS - “chesa” and bayabas
- VEGGIES - talong (unless torta yan kakainin ko) and onions
- PEOPLE - liars and cheaters! mga plastic at sobrang manipulative!
- EVENT/SITUATION/INCIDENT - para sa mga cheaters… kung caught in the act ka na… umamin na lang sana… pero kung maglulubid ka pa ng kasinungalingan e ewan ko na lang sayo!
- TV SHOWS/MOVIES - heavy drama! parang sakit yan e kung mahina ka madali kang mahahawaan… kaya ayoko na ng drama!
- MUSIC - as of now… ayokong makakarinig ng love song! WTF! yun lang!
- HOUSEHOLD CHORES - maghugas ng plato specially forks and kawali!
- THINGS AROUND THE WORLD - Politics! wala na yatang matino… napakaraming ganid sa kapangyarihan!!
- THINGS ABOUT MYSELF - bad temper and sobrang emo! grrr… tama na ang drama ayaw ko na!! (hmm… does it mean kelangan ko bang magpakaplastic sa feelings ko? whatever!!!) and ang pinaka-ayaw ko… sobra akong mainlove… as in sobra… wala na sa lugar… next time sana magawa ko na ng tama…..
hmmm.. sino naman ang i-tatag ko… dahil sa ngayon ko na lang nasilip ang blog na to parang lahat naman yata ng taong interesado akong malaman ang sagot nila dito ay nakagawa na rin ng ganitong entry….
sila na lang yata ang di pa nakakasagot so ita-tag ko na rin… sila yung ilan sa mga bloggers dito na interesting ang personality para sakin: isagani-x , lordmanilastone ( hindi sya WP user but I like this person kahit di nya alam at kahit hindi nya ako kilala
), brokenman (tag kita ha kahit di mo ko kilala… feeling ko lang romantic syang guy… may naalala tuloy ako.. )
uuuyyy abs bitter herb. *peace
awww.. LOL bitter ba? kanino ko ba nabasa yung stages ng moving on… nasa stage 2 na yata ako kung dati emo.. mukhang bitter na ngayon
ano kaya next… hmmm
hahaha from Chuck, see I wanna hear Love Songs, it doesn’t all about being sad but recollection na din na normal tayo, to feel sad and brag about our lovelife.
Bring it on, play some of them then end of the day, you realized, ok pala ang masaktan minsan.
Blog-hopping.