blog shift?

Posted August 28th, 2007 by JeanGrey

Ilang araw ko na rin tong pinagiisipan. Gusto ko ng mag-blog shift! pero yung mga contents lang naman. Gusto ko lang gumawa ng bagong blog at i-import na lang duon yung mga lumang entries at para maiba naman ang format ng blog na ‘to. Medyo mas nakakarami na kasi yung mga entries na nakakadepress na nangyari sa life ko. Para sakin it’s a way of coping up and moving on.

I didn’t make this blog to attract attention. I started blogging for me to have an outlet since I’ve got only few friends and I don’t wanna bug them for my personal problems in life. Ayoko silang istorbohin dahil para lang magdrama at marami rin silang mga iniintindi sa buhay. sus!!! sayang naman ang oras!! Mas gusto ko pa na makasama sila at masaya lang kami at lumabas para gumimik at pagusapan ang mas importante pang bagay. For me, blogging is a way of helping myself para marelease lahat ng gumugulo sa isipan ko. Ang sarap kasi ng feeling kapag nailabas mo na lahat ng sama ng loob… parang sakit lang ng tyan na pagkatapos ay i-flu-flush lang sa toilet. Pagkatapos kong magsulat at ilabas lahat ng galit, pagkainis, pagkabored… para sakin nakakarelieve yun ng sobra.

Kanya kanya lang naman ng trip yan e… kanya kanya lang ng paraan… Kailangan tulungan ang sarili dahil wala naman dapat ibang asahan at hindi rin naman dapat umasa sa ibang tao. Hindi dapat magpa-apekto. Hindi dapat hayaan ang sarili na malugmok sa mga problema. Problema lang yan. Malalampasan rin. Kailangan magpakatatag. Kailangang matutong lumaban. Kailangang tumayo sa sariling paa.





Hmmm sa mga ayaw ng drama… hayaan nyo kasi sa mga susunod na entries mas lalo pang magiging madrama…. kasi hindi lang sarili kong drama ang ipo-post ko dito! pati drama ng iba!! :P Pero tingin ko mas exciting yun!

Bawat tao may kanya kanyang kwento. At sa bawat kwento, maganda man or hindi ang mga nangyari pero sigurado merong kapupulutang aral dito. Ok lang naman ang drama. Aminin man natin sa sarili o hindi, lahat tayo dumadaan sa pagsubok… lahat nakakaranas ng sakit… lahat ay marunong umiyak… lahat ay may kanya kanyang problema. Pero kapag nagawa mong malampasan ang lahat ng hirap na yan sa buhay at nakatayo ka pa rin… mas masasabi mo sa sarili mo na mas naging matatag ka na! Yan ang reality… yan ang totoong buhay…

Would you like to be my Guest Blogger? Submit your entries at

© 2007-2008 Letters From The Soul - our thoughts... our stories... our lives...


No Related Post

2 Responses to “blog shift?”

  1. Lobisloid Says:

    Uy! Ok lang magdrama basta hindi sobra! hehehe :-D

  2. JeanGrey Says:

    mahirap pigilin e! baka mamaya kung san pa lumabas… mabuti sana kung lagi lang malapit an CR… hehehe ;P

    abah iha nagmamaganda ka jan ha… at nakalusot ang proxy mo? hahaha

Leave a Reply