surprise…

Friday, August 24, 2007
By JeanGrey

pagkatapos na pagkatapos kong maipublish ang last entry ko nung August 21 bigla na lang syang nagtext at nagsabi na magkita raw kami sa bahay nya ng 6pm. Oh diba ang bilis ng reaksyon. Hmmm syempre kahit katatapos lang ng drama at kahit na may tampo pa ako sa kanya ay nagmamadali akong naligo at nagbihis para pumunta sa bahay nya… Pakiramdam ko ay para akong bata na bigyan mo lang ng isang kendi ay mapapasaya mo na ito…

Syempre dahil marami na namang delays, nakarating ako sa bahay nya ng almost 8pm na. Pagpasok ko sa bahay nya, nakapatay ang ilaw at tanging kandila lamang sa cake ang nagsisilbing liwanag sa maliit na na kwarto na yun… sa maliit na mesa nakita ko dun ang cake, card, pizza, palabok at kulay orange na banner sa gilid ng kama na may nakasulat na happy 50th monthsary… nilapitan ko sya at niyakap ko ng mahigpit at hinalikan… hirap na hirap pang lumabas sa bibig ko ang salitang “i love you” dahil pinipigilan ko ang sarili ko na maging emotional na naman…

trivia lang po… gusto ko lang i-share na everytym na monthsary namin, hindi nawawala sa mesa ang palabok . Yun ang official handa namin kapag monthsary namin eh… Actually mejo delayed na ang celebration na to dahil nung August 10 pa ang monthsary namin… Wala akong makita sa blogs ko na naikwento ko na nagcelebrate kami nung August 10 dahil siguro isa na naman yun sa mga araw na magkagalit kami…

Masyado na yata akong nagiging ulianin pero ang mga nakakalimutan ko lang yung mga away namin na pilit kong binubura agad sa isipan ko… kaya madalas kapag kailangan ko ng mag-reason out everytime na-b-brought up ang isang pangyayaring hindi maganda sa nakaraan ay hindi pare-pareho ang mga naisasagot ko.. Hindi yun dahil sa sinungaling ako kundi dahil pakonti konti lang ang mga pangyayaring natatandaan ko… Kaya magandang way na rin itong blogs at least maisulat ko man lang ang ilan sa mga pangyayari sa buhay ko…

Pero subukan mong tanungin ako about sa happy moments namin…. sigurado detalyado pati places, pati suot kong damit nung araw na yun… pati mga sinabi ko at emotions ko nung time na yun… lahat lahat yun fresh na fresh pa sa utak ko….

balik ulit sa walang katapusang kwento ko kanina about sa surprise nya sakin…. ayun… kasabay ng sobrang saya ay nakaramdam ako ng pagkaguilty… dahil syempre bago ako nagpunta sa bahay nya ay todo emote na naman ako… e di kasi sya nagpaparamdam! yun pala may surprise na naman pala… e kung nagsabi na lang ba sya agad na may surprise pala sya??? e di sana hindi ako paranoid kung bakit di sya nagtetext diba… hmmmm…. sensya na aning din ako magrason… natural di na surprise yun kung sasabihin nya diba… actually defense mechanism lang to kaya ko nasasabi to kasi alam ko nagkamali ako e…

 

Others also read this

No Responses to “surprise…”

  1. [...] Ok na sana diba?? masaya na yung setting e… pero ano ba namang klaseng surprise ito… habang kumakain na kami balik na naman sa dati… nagbago na naman ang mga actions [...]

    #647

Leave a Reply