|
|
bangungot nga ba?

I saw this entry entitled An image that can change the world by Vin. Alam nyo ba nung nabasa ko tong post na ito nung isang araw at siguro sa sobrang kakatitig ko sa picture na to… napanaginipan ko pa! sa panaginip ko nakita ko ang sarili ko na nakatayo at nanjan ako sa place na yan. Siguro mga tatlong dipa ang layo sa akin nung bata. Maya maya yang nakayukong bata ay dahan dahang gumagapang papalapit sakin tapos nung nasa paanan ko na sya, dahan dahan nyang iniangat ang ulo nya at tinitigan ako ng mata sa mata! takot na takot ako sobra… sa panaginip ko di ako makatakbo… di ako makasigaw… sabi ko sa sarili ko alam ko nananaginip lang ako dahil nabasa ko nga ito sa blogs ni Vin… wahhhh!!! pinipilit ko talagang gumising… tapos biglang naiba yung scene. Sa panaginip ko nahihirapan na akong huminga at nakikita ko ang sarili ko na nagpapapalag habang nakahiga sa kama. Sabi ko sa sarili ko “God gusto ko na pong magising tulungan nyo ko natatakot na po ako…” Hanggang sa kapapalag ko naramdaman ko na natabig ko yung celfone ko na lagi kong katabi sa pagtulog. Ayun!! sa wakas nagising din ako… Sa lakas siguro ng pagkakatabig ko sa celfone ko… ayun tanggal lang naman ang battery at simcard pero buti na lang hindi naman sya nasira at walang kagalos galos. Tibay talaga ng moto! Pagkagising ko feeling ko para akong pagod na pagod at ang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang nagtatakbo..
Whew! feeling ko nga bangungot na yun e… at dahil nai-post ko itong picture na ito dito sa blogs ko….. wish ko lang hindi ko na ito mapanaginipan mamaya…
Others also read this |
|
yaiks. kamusta naman at nagpakita pa sa yo yung bata! o_O
hehehe kakaasar nga po e… eto na ang epekto ng pagka-adik sa kakabasa ng blogs…
psst! sino yong pics na nasa site mo? ikaw tsaka sino? ganda nang blog mo!
i have a song for this pic above! “TELL ME WHY” andun sya sa MUZIKA pages ko.
i can’t believe dami pang hunger sa mundo. ayokong maging Miss World, di na kelangan yon to help earth na tanggalin ang poverty ‘day kaso.. hmpt! ewan! puro kurakot taoooo!!!
ako po at yung girlfriend ko… hmmm mejo pakibasa na lang po ang disclaimer… hehehe
sige silipin ko po muzika pages ate. salamat sa pagbisita po dito
i like your blog’s layout. got here thru nakanampucha!
i have seen this picture somewhere before, too. and if i remember right, the photographer got an award for it, but committed suicide later. he got so depressed for not being able to do something to help the dying child, other than shoot this disturbing photo. he thought, but IMHO, it’s such a moving picture, enough to cause people to do something about Africa’s hunger, and elsewhere.
wahh!! sana nga di ko na lang po nakita yung pic na yan… kagabi napanaginipan ko ulit yan pero sa panaginip ko nakikita ko sarili ko na pinopost ko yung image na yan dito sa blogs ko.. hmmmmm weird… nawala na nga yung mga mumu dito sa haus… at mga dating nightmares ko… e2 may bagong kapalit na naman… grrr
salamat po sa pagdalaw dito sir!