Kailangan maglibang… kailangang maging busy para pansamantalang makalimutan ang kalungkutan… While I was reading Femikey’s blog about this entry, di ko na naman maiwasang hindi maisip ang kasalukuyang dinadamdam…
A kiss is an intimate connection and a simple way we express our love and affection to the one we love. It is more than the sharing of lips and breath.
Nung nabasa ko yan di ko mapigilang mapaiyak na naman…. I remember the last day na nasa bahay mo ako… that was August 9… the day before our monthsary sana…. bago ako umalis niyakap kita ng mahigpit at hinalikan kita…. niyakap mo rin naman ako… at hinalikan mo rin ako… nararamdaman ko na sincere ka naman sakin nung sinabi mo na mahal mo pa rin ako… kailangan mo lang ng space para makapag-isip… yun na yata ang pinakamasakit na naramdaman ko…. kasi baka yun na ang huling kiss mo sa akin…. nung araw na yun tulirong tuliro ako… kahit lumabas na ako ng bahay mo di ko magawang lumayo… kaya naupo muna ako sandali sa labas ng subdivision nyo… umaasa ako na baka magtext ka at pabalikin ako… siguro 30 minutes din akong naghintay… habang nakaupo pinipigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak dahil nasa labas ako at maraming taong makakakita sakin… hindi ako makapaniwala sa mga nangyari…. hindi ako pwedeng umuwi sa bahay na ganun ang sitwasyon ko… kaya naisip kong tawagan ang kaibigan ko… kasi di ko alam kung san ako pupunta… magkano lang ang pera ko sa bulsa… di naman ako kasi prepared na pupunta kung saan after ng day na yun… ni hindi pa ako nakakaligo… buti na lang nakakain pa ako kahit konti bago ako umalis sa bahay mo…
bago ako tuluyang umalis nagbakasakali ulit ako… nag-isip ako ng paraan para makabalik sa bahay mo… naalala ko yung extra battery ng celfone ko na nakita ko nung gabi sa bag mo kaya ginawa ko yun bilang alibi para makabalik ulit… tinawagan kita at tinanong kung pwede ko bang kunin yun… pumayag ka naman… bumalik ako sa haus mo pero hindi mo na ako pinaakyat… pilit mo akong sinasabihan na umuwi na sa bahay ko pero di ko pa kaya… sabi ko may pupuntahan ako tapos tumalikod ka na at umakyat na ulit sa room mo… iniwan mo na ako sa baba na nag-iisa… wala akong magawa… kaya umalis na rin ako… siguro dahil nag-aalala ka na rin baka dumating na ang mom mo at maabutan tayo tapos sa ganun pang situation…. wag ka magalala naintindihan ko naman po…
Would you like to be my Guest Blogger? Submit your entries at
August 12th, 2007 at 11:34 am
Sana kapag natapos na siyang mag isip with the space and time na hiniling niya, ay mabalik kayo sa dati. Kung hindi man possible, sana makapag move on ka ng maayos, mabilis at walang sama ng loob sa tinakbo ng relationship.
Sana maganda ang kalabasan ng entry na ito. Sana.
August 12th, 2007 at 2:33 pm
sana nga maging ok pa kami kuya… sa tagal ng pinagsamahan parang napakahirap makamove on… pero umaasa pa rin ako na magiging ok kami… hanggat nararamdaman ko na mahal nya pa ko… no reason para mawalan ng pag-asa…
August 12th, 2007 at 2:42 pm
Hindi ko sisirain ang mood mo at pag-asa, pero gusto ko na maging realistic ka at all times ok.
Too much expectation may cause too much loneliness.
But then again, love is a game of risk.
Goodluck po sa relationship mo.
August 12th, 2007 at 3:14 pm
salamat po.. kailangan magpakatatag talaga… di pwedeng magpatalo sa problema.. naks… love doctor ka na rin kuya.. buti na lang libre pacheck up dito..
August 12th, 2007 at 3:21 pm
Ngayon lang, kasi nasa “office” mo ako. LOL
Pagpumunta ka sa office ko, sisingilin din kita.