I’m sorry…. I love you… so much…

Posted August 10th, 2007 by JeanGrey

Honey,

Una sa lahat gusto kitang batiin ng Happy monthsary… kahit pa na wala na tayo… bago ka man lang umalis at umuwi sa inyo, gusto ko magsorry sa lahat lahat ng mga nagawa ko sayo… bakit kung kelan ayaw mo na… tsaka ko naman narealize yung mga pagkakamali ko… dati akala ko ako ang laging agrabyado… akala ko ikaw ang laging manhid dito… akala ko ikaw ang walang pakealam sa feelings ko… MALI pala ang lahat…. dahil napag-isip isip ko… ang totoo pala…. ako ang maraming nagawang pagkakamali sayo… :( ako ang hindi makaintindi… ako ang nakakaagrabyado…. ako ang manhid at higit sa lahat ako ang naging walang pakealam sa feelings mo… Sinasabi ko to sayo dahil narealize ko talaga na nagkamali ako… :( Hindi ko yun sinasadya…. hindi talaga… dahil habang tayo ay nasa loob pa ng relationship… hindi ko yun nakikita sa sobrang lapit…. hindi ka naman kasi nagsasabi… at dapat ay naramdaman ko yun nung una pa lang….

Eto ang mga na-analyze ko sa mga nangyari…. sana po basahin mo po lahat at intindihin mabuti…. dahil mahalaga to para sakin…. para satin…..

Una, siguro mas pinili mo dati na magwork jan kahit alam mo sa sarili mo na mahihirapan ka… Kinaya mo yun lahat kahit na mamimiss natin ang isa’t isa…. Siguro naisip mo na makakatulong to para sa sarili natin para makapag-grow…. magawa ang mga bagay na dapat nating gawin na hindi nakadepende sa isa’t isa… ngayon ko lang naintindihan ang sinasabi mo na ginawa kitang mundo ko at tumigil na ang pag-ikot nito nung nawala kasa tabi ko…. narealize ko… OO… nagkamali talaga ako…. mas naging masaya sana kung nagawa kong makisabay sa pag-ikot ng mundo mo…. kaso na-stuck ko ang sarili ko dito… wala ng nangyari sa mundo ko… nagkaron ka ng circle of friends jan…. natural lang naman dahil parte yun ng lahat ng trabaho mo jan at karapatan mo yun bilang tao… hindi kita dapat nilimitahan sa mga bagay na gusto mong gawin…. at nakalimutan ko pa na kaya mo naman ang sarili mo…. at di ka na bata…. pero ang nangyari naging overprotective ako… kaya di kita masisi ngayon kung bakit na-fed up ka na sa ugali ko….

Ngayon ko lang naisip na di kita dapat sinisisi na bakit ikaw dati, nung magkasama pa tayo ay ginawa mo ring limitahan ang circle of friends ko…. pareho nating nilimitahan ang circle of friends natin…. na-missjudge na naman kita…. nakalimutan ko na ibang setup pala yun…. noon nagaaral ka pa at ako din… at ngayon mas ibang level na yan dahil work na yan e….. lalong kailangan na makisama… at dahil sa magkalayo pa tayo so para di ka malungkot kelangan mo talaga ng maraming friends jan….. nagkamali ako…. :( I’m so sorry…. napaka-immature ko…. ;( Inaamin ko po lahat yan at humihingi ako ng tawad…

Eto pang isang mali na narealize ko… Pagod ka sa trabaho palagi dahil konti lang kayong nurse jan… Pero pagdating mo sa bahay nyo… imbis na pasayahin kita pampatanggal man lang ng pagod ay eto ako at minsan naaaway pa kita dahil sa hindi ka kaagad nakatawag sakin or di mo ako agad natext…. I’m so sorry…. alam mo naman na miss lang kita sobra pero alam ko rin na nagkamali ako…. Hind ko nabalanse…. Kaya di kita masisisi kung minsan ay di ka na lang tumatawag sakin dahil wla naman akong magandang sasabihin or maibabalita sayo… ;( kung magsisi man ako ay huli na ata para sayo.. ;( Nap-pressure kitang masyado….. Ngayon naintindihan ko na kung ano ang nakakafed up sa mga ginagawa ko….

Gusto ko rin ihingi ng sorry sa pagpigil sayo sa mga taong gusto mong itext or kausapin…. bilang individual na tao ay karapatan nating pareho kung sino ang mga gusto nating kausapin at kaibiganin…. mali na naman ako.. :( Dati kasi ganun ka din po… pero ang naging mali ko yata ay di ako nagreklamo kahit unfair para sa sarili ko…. naisip ko tuloy na kung ganun ang gusto mo… dapat ikaw rin ay pwede ko rin gawin na pagbawalan ka sa mga taong ayaw ko na kausapin mo…. mali pala yun…. dapat mas nagtiwala tayo sa pagmamahal natin sa isa’t isa na kahit may mga ibang katext tyo ay di natin ipagpapalit ang isa’t isa… Pero ang ginawa kasi natin ay ikinulong natin ang mga sarili natin sa bote at namuhay tayo noon for three years na tayo lang laging dalawa….. Mali yun talaga…

Sa lahat ng mga nangyari… eto ka ngayon at humihingi ng space…. I realized that you really deserve it po… nagkamali ako sayo ng sobra… ang manhid ko dahil di ko yun naramdaman… di ka rin po kasi nagsasalita… ;( At dapat lang na bigyan kita ng space para makahinga naman sa sobrang pressure na binigay ko sayo hon… I’m so sorry… di ko yung sinasadya….

At higit sa lahat… gusto kong ihingi ng sorry na nasabi ko sayo na naisip ko na bka meron ka ng iba…. kasi yun ang perception ko sa mga taong humihingi ng space…. hindi ko nakita agad ang mga inasal ko sayo kaya ganito ang nangyari… Im so sorry…. di ko po mini-mean yun at sana…. sana lang…. maniwala ka po…

We both know na hindi na question ang love dito…. nararamdaman ko po sa kabila ng lahat ng mga nangyari at mga masasakit na salitang nabitawan, alam ko na mahal mo pa rin ako at gusto kong sabihin na mahal pa rin kita….mahal na mahal…. pero wag mo pong isipin na binibigyan kita ng pressure na naman…. di po ako magpupumilit pa na bawiin ang hinihingi mo po…. karapatan mo yun… at alam ko at naniniwala ako sayo na may magandang purpose ka sa pagdecide mo na magbreakup tayo… :( sa kabila ng lahat alam ko na iniisip mo lang din ang kapakanan ko… inaamin ko po… di talaga ako nag-grow…. na-stuck ako dito…. at ikaw, nabalanse mo lahat…. nagawa mo lahat na tama…. na walang pinababayaan…. di ko lang yun nakita kaagad… narealize ko lahat yan ngayon…. pero sa tingin ko ay huli na…. at nasa huli talaga ang pagsisisi…. magsisi man ako ay wala na akong magagawa…. di kona ata mababago pa ang decision mo so let’s keep it this way…. I need space din siguro dahil napabayaan ko talaga ang sarili ko…. ginawa kitang sentro ng buhay ko at sayo na lang umikot ang mundo ko…. napabayaan ko na ang lahat lahat….. Naintindihan ko na rin po na kung maging ok na rin ako ay magiging masaya ka rin sakin… narealized ko lahat na ni minsan wala kang hinangad na ikakasama ko…. di ko nakita na sa kabila ng mga galit mo ay concern ka lang talaga sakin….. bakit di ko yun nakita…. isa akong malaking tanga….. ;(





Naisip ko rin kanina na bakit ko nga naman kailangan ipagkait just in case na friendship na lang ang kaya mong i-offer para sakin…. sa lahat ng mga narealized ko…. nahiya ako sobra sa sarili ko…. ;( magpasalamat pa nga ako dahil kung sakali kahit friendship ay maoffer mo pa sakin….. Kahit friendship na lang ang natitira hon…. malugod ko yung tatanggapin…. dahil alam natin sa mga sarili natin kung ano yung mga pinagsamahan natin sa mahabang panahon.. ang honestly…. di ko yun kayang itapon ng ganun ganun na lang…. alam ko na mahirap din para sayo ang decision mo na to… pero alam ko na ito rin ang tama….

Wag ka pong mag-alala… enough na sa masasakit na salita… humihingi talaga ako ng sorry sa mga nasabi ko… sa kagustuhan ko na mapalabas yung emotions mo dahil di ka kasi nagsasalita….. kaya ko nagaawang i-push ka para magalit at magsalita lang….. pero di ko naisip na dadating ang time na mapapagod ka rin ng kaka-push ko sayo….. tama ka nga po… nakaka-fed up nga ako… ;(

Nung isang araw na napag-usapan na natin ang topic na to… tinanong kita kung ano naman ang itatawag mo sakin kung friends na lang tayo… Ang sagot mo sakin, “E di honey pa rin…” grabeh napaiyak ako ng sobra…. ang sakit isipin na after 4 years ay baka maging friends nalang…. pero sa totoo lang di ko rin naman kayang tawagin lang sa pangalan mo eh…. “Honey” parin ang matatawag ko sayo dahil hindi basta basta ang 4 years na yun… tama po ba ako hon?

So… kung babalik ka man sa dati nating relationship……. or mapagisipan mo na wala na talagang chance na magkabalikan pa tayo…. ay irerespeto ko po yun ng buong puso at walang galit sa kalooban ko…. pero kung ako ang tatanungin…. isa lang ang sagot ko….. na gusto ko tayo pa rin… pero wag ka po mag-alala… di po ako nagpipilit…. nasa sayo po lahat ng decision… alam ko matagal pa ang magiging resulta nito…. dahil gusto momuna makita ang mga pagbabago… at gaya ng nasabi mo…. di mo mapapangako na walang magbabago…. kahit anong mangyari ay nandito ako para sayo…. Hinding hindi ako aalis…. naintindihan kita kung makahanap or magkaron ka man ng iba…. di kita pwedeng limitahan jan… kung ako lang ang tatanungin… syempre ayaw kog mapunta sa iba…. mahal kita e…. pero ikaw na po ang bahala sa bagay na yan…..

Sa katangahan ko at kakitiran ng utak ko…. dalawang mahalagang tao ang maaring mawala sa buhay ko…. bestfriend ko…… at girlfriend ko…. I just hope ang pray na kung di ma bumalik ang dati…… kahit isa man lang sana jan ay maretain….. masakit man… pero kahit bestfriend mo na lang ay maluwag kong tatanggapin…. dahil minsan lang akong makakatagpo ng kagaya mo…. na walang ibang inisip sa kapwa kundi kabutihan lang….. sadya sigurong napakarami ko pang dapat matutunan…. dahil marami sa mga ginawa mo ay namisunderstood ko at di ko nakita…. I’m so sorry….

Tama ka nga… kung may love pa para sa isa’t isa…. bakit kailangan nating i-supress ito dahil lang sa wala ng “relationship??” Kaya di na po ako iiwas…. Sa matagal na panahon na magkasama tayo.. alam ko kahit di mo sabihin sakin ay ayaw mo rin na mawala ang communication natin… at ayaw mo rin na mawala ako sayo… kaya di na po ako magtatago or mag-change ng sim…. basta…. kahit kung kelan mo na lang ako maisip na kausapin…. makakaasa ka na nadito lang po ako para sayo….

Kahit sa huling beses na lang gusto ko malaman mo na mahal na mahal pa rin kita…. maaring ikaw ay magbago dahil nasaktan kita…. ang tanga ko dahil nagawa ko yun sayo…. mahal na mahal pa rin kita…. kahit one day magising ka at di mo na ako kayang mahalin pa…….:( Mahal kita…… pero aayusin ko na rin ang sarili ko… dahil naniniwala ako na yun ang nararapat…. at yun ang tama…. salamat at napa-realize mo sakin lahat yun….. Takecare always….. Mamimiss kita ng sobra…… Salamat sa lahat lahat po…. I love you honey….

 

Love,

Jean²

Would you like to be my Guest Blogger? Submit your entries at

© 2007-2008 Letters From The Soul - our thoughts... our stories... our lives...


No Related Post

6 Responses to “I’m sorry…. I love you… so much…”

  1. khen Says:

    at least ikaw na realyz mo kng ano yung mga mali mo.. alam mo ba kng gano ksakit mawalan ng minamahal ng di mo alam talaga ang dahilan? yung tipong nagawa mo na lahat pro kulang pa rin? sabi nga nila, its not luv f it doesnt hurt u so mch.. sana lng ma realyz din ni jill na mahal ko pa rin cya hanggang ngayon.. kahit masakit.. kahit alam ko n wala ng patutunghan lahat ng mga ka martiran kong gnagawa.. I LOVE YOU SO MUCH JILL STACY ABELLANA.. so mch.. -khen

  2. JeanGrey Says:

    nagtyaga ka pong basahin tong pagkahaba habang sulat ko? buti ka pa po binasa mo… hmmmm masyadong masakit talaga na mawala sayo ang taong minamahal mo… yan ang pinagdadaanan ko ngayon… hindi ko alam kung paano ang tamang reaction sa bagay na to.. sa sobrang sakit ayaw ng lumabas ng totoong emotions ko.. di ko nga alam kung plastic na ako sa sarili ko e… hindi ko na alam… basta ayaw ko na muna masyadong isipin ang love na yan… kung sino ka man po khen sana maging ok ka na din po… godbless…

  3. jp Says:

    karen,

    gusto kong sabihin na naiinis na ako sa iyo
    bakit mo ba ako ginaganito?
    ikaw ba ay naguguluhan saking tunay na nararamdaman?

    ano pa bang dapat na gawin pa?
    saking pananamit at pananalita.
    upang iyong mapagbigyang pansin aking paghanga at pagtingin
    sayo.

    ano pa bang dapat na gawin ko?
    upang malaman mo ang nadarama ko
    upang iyong mapagbigyang pansin
    aking paghanga at pagtingin
    sayo

    wag mo naman sana akong pahirapan pa
    kung ayaw mo sakin ay sabihin mo na at
    wag mo naman sana akong ipaasa sa wala pero
    oo na mahal na kung mahal kita…. sana nga lang mabasa mo to, dahil mahal na mahal kita… at lahat gagawin ko para sayo..

  4. lobisloid Says:

    Mabuti naman at may mga na-realized ka sa mga nangyari kuya. Siguro minsan kailangan natin ma-experience ang mga di kanais-nais na bagay para may matutunan tayo. Stay strong po and hope all will be well in the future.

  5. ohimesama Says:

    ayy….so sad…if she/he really loves you unconditionally…she/he will understand. you just have a lil faith..

  6. Jemar Says:

    tagal na pala e2ng letter.. halos pareho tyo ng sitwasyon ngayon ah..pinagkaiba lang wife ko cya and may anak kmi, ganyan din nangyayari samin ngayon.. muntik na din cya sumuko.. buti na lang may tatag pa din cya.. sana makasama ko na sya ulit..

Leave a Reply