my thoughts… my stories… my life…
Header

ang pagong…

December 2nd, 2006 | Posted by JeanGrey in Love | Personal | Relationship
pagong  ang pagong… picture

ang pagong

sabi nila pagong daw ako… dahil sa bagal kong kumilos sa lahat ng bagay… hmmmm… kanina… bigla kong naalala ang alaga kong pagong na si raves… bigay sya ng lola ko sakin… that was 6 years ago…

request ko to sa lola ko e… sabi ko kapag lumuwas sya ng manila… gusto ko ang pasalubong nya sakin ay pagong... kaya ayun… di ko alam kung bakit gustong gusto kong magalaga ng pagong…. ang sabi ng iba malas sa buhay ang pagong… dahil magiging mabagal daw ang takbo ng buhay ng nagaalaga nito… pero wala akong pakialam dahil alam ko sa sarili ko yun ang gusto ko e… ang takbo ng buhay ng isang tao ay walang kinalaman sa kung ano man ang napiling alagaan at mahalin nito… ang tao mismo ang gumagawa at nagpapatakbo sa buhay nya kaya kung magtagumpay man ito o mabigo… di natin dapat isisi sa mga bagay na walang kinalaman dito…

maliit pa sya nun… pero nung mga time na yun na dumating sya sa buhay ko e sobrang busy ko pa sa maraming bagay.. sa puso ko importante sya sakin lalo na at bigay sya sakin ni lola… nilagay ko sya sa isang fishbowl na tamang tama lang para sa kanya..

at first lagi ko syang pinapakain… in short sobrang bigay ako ng atensyon nung unang dating nya sakin… nilalaro ko sya sa mga kamay ko hanggang sa naging maamo naman na sya sakin… alam ko masaya si raves ko dahil sobrang pagaalaga ang binibigay ko sa knya…kaso dumating sa point na halos nakalimutan ko na sya… minsan magugulat na lang ako dahil 1 week ko na pala syang di napapakain.. ang sama ko noh…?? sobrang guilty ko… pero sabi ko sa sarili ko di na mauulit… di na kita gugutumin…

sa mga sumunod na linggo balik na naman sa dating gawi…. inalagaan ko na naman… lumipas ang ilang buwan…. laging ganun ang nangyayari…. importante sya sakin pero bakit ganun… may mga times na nakakalimutan ko sya… believe it or not pero minahal ko talaga ang pagong na yun… pero sa sobrang kapabayaan ko… siguro halos 1 month ko na yata syang hindi napakain… ang sama sama ko…. naguilty ako sobra… dali dali kong tinignan kung buhay pa sya…. and thank god buhay pa din… ang kawawang pagong tahimik lang… siguro kung nakakapagsalita lang si raves… siguro nasabi nya lahat ng sama ng loob nya sakin… awang awa ako sa knya… habang nililinisan ko sya nakalabas lang ang ulo nya… ang haba ng leeg nya sobra… halos maiyak ako dahil nakatingin lang sya sakin at papikit pikit lang…

nung oras na yun sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na sya ulit pababayaan… aalagaan ko na sya… grabeh ang payat nya na sobra at ang gaan gaan nya na… ilang weeks din bago nakabawi ang alaga kong pagong… thanks god.. akala ko mamamatay na sya e…. hanggang sa lumipas ang mga araw naging masaya na sya ulit….

hmmmm…. di ko alam kung bakit dumating ang time na naging busy na naman ako…. at napabayaan ko na naman sya…. this time mahigit 1 month ko na naman syang hndi napakain… ni hindi man lang napalitan ng tubig…. at gaya ng dati… naguilty na naman ako sobra…. sabi ko sa sarili ko this time magbabago na ko… ililipat ko na sya sa mas magandang lalagyan para kitang kita ko sya palagi at di ko sya makakalimutan pakainin… nung araw na yun nakapagdecide na ko na ibibili ko pa sya ng aquarium nya…

pagtingin ko sa fishbowl kung san dun sya nakalagay… di ko na malaman kung anong gagawin ko… dahil napansin ko nakalutang na sya at nakatihaya… di na gumagalaw… napaiyak ako sobra… bakit kung kelan ko naisip na ililipat ko na sya sa mas magandang lalagyan… bakit kung kelan gusto ko na talaga syang alagaan…huli na pala ang lahat… dahil patay na sya… wala ng sense lahat ng magagandang plano… wala ng sense dahil patay na si raves… di pala sapat ang pagbibigay ng atensyon at pagmamahal ng minsanan lang… dapat kung talagang nagmamahal ka… dapat consistent ka… .dapat pa nga habang tumatagal mas tumitindi ang ibinibigay mong pagmamahal at atensyon… dahil habang tumatagal mas nadadagdagan ang needs nya… mas kelangan nyang kumain ng marami dahil lumalaki na sya… mas binibigyan pala dapat ng atensyon… kung naging consistent lang sana ako sa pagaalaga… sana hanggang ngayon buhay pa sya…. sana nuon ko pa naisip… pero huli na…

kung naririnig ko lang ang nararamdaman ng alaga kong pagong… alam ko umasa sya sakin na magbabago ako at aalagaan ko sya… dahil wala naman syang choice na magreklamo… di naman sya pwedeng lumayas dahil ako ang amo nya… dahil ako ang nagmamayari sa kanya… kung narinig ko lang sana ang sigaw nya na gutom na gutom na sya at pakainin ko naman… kung narinig ko lang sana ang mga reklamo nya sa tubig na sobrang baho at sobrang labo na sa dumi… kung narinig ko lang sana na gusto nyang makipaglaro sakin dahil nalulungkot sya… kung narinig ko lang sana… pero di nya na kinailangan na magsalita pa… dahil dapat sa sarili ko kung naging mabuti lang ako…. dapat una pa lang na napabayaan ko sya… dapat noon pa lang ay nagbago na ko… pero wala akong ginawa… kawawang pagong napabayaan lang… di ko pwedeng isumbat sa knya na minsan din naman pinapakain ko sya ah… minsan din naman nakikipaglaro ako sa knya… alam ko di ko pwedeng isumbat yun… dahil una pa lang alam na alam ko na kailangan nya yun… dahil dapat una pa lang alam ko na wala naman ibang magbibigay sa knya ng mga
kailangan nya….. dahil ako lang ang nagiisang amo nya at wala ng iba….

sa buhay ng tao parang ganun din… dapat maging consistent ka sa pagbibigay mo ng pagmamahal at atensyon.. at ng pagaalaga… dapat habang tumatagal mas tumitindi ang pagmamahal na yun… hindi pwedeng pag may nagawa kang mali ay gusto mo lang makabawi.. pagkatapos pano na sa mga susunod na panahon…. wala na? sa totoong buhay di pwedeng ganun… dahil baka kung kelan natin marealize na importante pala sya satin… baka kung kelan dumating ang panahon na gusto mo ng maging seryoso…. hindi mo alam baka huli na pala…. dahil wala na palang pagong na aalagaan…. dahil wala na sya…

at ngayong alam ko na at natuto na ako… siguro masasabi ng iba na pwede naman akong maghanap ulit ng pagong naaalagaan e… pero espesyal ang pagong na yun… dahil alam ko kung san nanggaling ang pagong na yun… di ko sya basta basta nabili sa isang pet shop lang… dahil ipinakuha pa yun ng lola ko sa malalim na balon
para lang maibigay sakin ang pagong na yun…. alam ko marami pang ibang pagong jan na mas maganda… may breed… mamahalin… mataas ang value… pero sa buhay ko… alam ko na nag-iisa lang ang pagong na yun… at kahit kelan di na
ko makakakita ulit ng pagong na magpaparealize sakin kung paano magpahalaga….

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 You can leave a response, or trackback.

3 Responses

  • rechel says:

    alam mo nanghinayang ako sa pagong mo ..kc pinabayaan mo cxa..yan sana matuto ka na magpahalaga ng mga bagay na kahit medyo d maganda..iingatan mo okey..or kung sa tao pa yan…kung may nagmahal sau mahalin mo din..para d ka mag sisi sa huli..k..thanks

  • JeanGrey says:

    hmmm… feeling ko ako rin ang pagong na yan.. kung di aalagaan ng tama… kung i-te-take for granted lang.. syempre pwedeng mamatay… (i mean yung love) anyways.. di naman natin kontrolado ang isip ng ibang tao… ang mahalaga dapat marunong tayong magpahalaga sa kahit na kanino at ma-appreciate ang value nito sa life natin…

  • Pingback: natural acne treatment medicine