Ako’y masamang anak… maniniwala ka ba?
pagkat yan ang sabi ng mahal kong ina…
Bastos at walang modo.. yan ang laging maririnig
Puro kasamaan ko.. yan ang laging bukang bibig…
Oo!!! naging masama nga ako!!! di ko yan itinatanggi!!!
Sa lahat ng nagawa.. sukdulan ang pagsisisi…
Pero kahit minsan naitanong mo ba sa iyong sarili??
Kung ikaw ba’y ni minsan ay walang nagawang pagkakamali??
Lahat ng tao kapag nasasaktan.. natututong lumaban…
Ito ba ay tama?? O isang kalabisan??
Natural lang na magalit sa isang may kasalanan…
Pero tama pa rin ba??? na ako’y iyong pagbuhatan???
Kahit anong mahawakan.. sa akin ay ihahampas…
Walang katapusang galit.. di ba lilipas???
Di alintana kahit saan ako’y tamaan…
Sumigaw man ako na masakit na!!!! Di pa rin titigilan…
Naranasan mo na bang mabato ng electric fan??
At wasakin ang walis sa iyong katawan????
Di pa rin titigilan kahit sumigaw kang tama na…
Kaya nasambit ko na lang… “Gusto mo pa??? Sige pa kulang pa!!”
Mali ba ang mangatwiran sa isang magulang??
Ang lagi nyang sambit.. “Ikaw ay anak lamang!!!”
Kahit alam nyang siya ay mali.. wala lang pakialam..
Anong akala mo sakin?? walang pakiramdam??
Pagmamahal po nga ba ang tawag mo dyan?
Sa matatalim na salita.. wala kang pakundangan…
Ako’y isang anak.. iyo bang nakalimutan??
Mga paliwanag ko’y di man lang pakikinggan??
Mula pagkabata.. sagana na sa palo…
Mula sa isang malupit na kung tawagin ay tiyo…
Nang sumubok magsumbong.. ano napala ko??
Nabaligtad pa ako.. walang sawang pagkastigo…
Naranasan nyo na ba ang lumuhod sa munggo??
Habang may nakapatong na libro iyong mga braso??
Lahat ng ito dinanas ko kay tiyo..
Lahat ng klaseng pangaabuso.. habang ika’y nasa trabaho…
Magmula nuon.. sa murang isipan tumatak…
Ang galit kasabay ng luhang pumapatak…
Di man lang mag-usisa kung anong nangyari sa anak…
Habang tumatagal puso ko’y lalong nawawasak..
Kung alam mo lamang lahat ang aking naranasan..
Baka sakali kaya.. na ako’y di na masaktan??
Ako ba ay masisisi kung bakit nagkaganyan??
Damdaming puno ng galit.. di na yata maiibsan..
In fairness naman.. minsan mabait ka..
sa sobrang kulit.. pakiramdam mo’y isang bata…
Marunong ka rin naman palang tumawa…
Wish ko lang di na matapos ang mga araw na okey ka…
Ngunit nung isang araw.. di na naman kita maintindihan…
Bigla na lang tayong nagkaalitan na naman…
Lahat na lang isinumbat sa aking mukha…
Pati ba naman ang iyong ginawang pag-aaruga??
Mula sa pagsilang hanggang sa kasalukuyan…
Tama bang isumbat ang lahat ng ‘yan??
Isusumbat pala sa akin ang ibinigay na buhay…
Nang marinig ko yan.. gusto ko ng mamatay….
Sana matapos na ang mga paghihirap…
Kelan kaya mawawala ang madilim na ulap?
Kapayapaan ng isip at pagmamahal na tunay…
Ang tanging hiling ko habang ako’y nabubuhay…
Would you like to be my Guest Blogger? Submit your entries at
August 1st, 2007 at 6:22 am
ouch
October 22nd, 2007 at 7:43 pm
*hugs*
October 22nd, 2007 at 9:04 pm
thanks pao…